Gabi.
Bahay nina Berting.
Kumakain ng hapunan si Berting at Mommy Iris.
Mag ri ring ang phone ni Berting.
Tumatawag si Dina.
Berting: Hello Bess?
Dina: Bessy, naistorbo ba kita?
Berting: Hindi naman.
Dina: Me hihingin sana akong favor sa inyo ni Tita...
Titingin si Berting kay Mommy Iris, si Mommy Iris naman ay natutuwa dahil alam nyang si Dina ang tumawag.
Berting: Ano po yun?
Dina: Birthday ko sa Friday. Eh etong si Ackie ayaw pumayag na sa bahay lang gawin. Dun daw tayo sa resort ng Tito nya sa Calamba. Ang problema si Gregg darating pa pagkatapos nyang pumunta sa Ateneo. Walang sasakyan.
Berting: Me van naman kami...
Dina: Yun nga bessy, at saka para kasama narin natin si Tita. Please?
Berting: Andito sya wait.
Iaabot ni Berting ang telepono.
Mommy Iris: Yes anak?
Dina: Tita! Good evening po sorry po sa istorbo...
Nakatingin si Berting sa kanyang Mommy habang sumesenyas ng approve.
Pinakiusapan naman ni Dina si Mommy Iris.
Mommy Iris: Naku anak! Birthday mo naman pala, walang problema! Salamat sa imbitasyon... I feel so honored like an honored student!
Dina: Haha! Kayo talaga Tita... Salamat po talaga!
Mommy Iris: No problem, eto na si Berting.
Kukunin ni Berting ang kanyang phone.
Berting: Okay! So after class sa Friday?
Dina: Yes! Yes!
Berting: Hehe. Sya bess, kain lang kami.
Dina: Salamat. I love you.
Isang milyong paru paro ang lumipad sa tiyan ni Berting.
Berting: I love you too!
Nabitawan ni Mommy Iris ang kutsara nahulog ito sa sahig.
Binababa ni Berting ang telepono.
Nagsalita si Mommy Iris.
Mommy Iris: Magdagdag ka ng plato, me darating na bisita, babae!
Berting: Crazy ka talaga Mommy!
Balik sa pagkain ang mag-ina.
BINABASA MO ANG
DINA B? #JaDineFiction
Roman d'amourBasahin ang istorya nina Dina at Berting... DINA B? A Love Written In A Song. DISCLAIMER Ang kwentong inyong mababasa ay likha lamang ng aking malikot na pag-iisip. Ang pagkakahawig sa pangalan, tao, lugar at pangyayari ay siguradong nagkataon po la...