Friday.
Kahahatid lang ng School Service kina Dina, Ackie at Berting.
Inihahanda na ng Yaya ni Dina ang ilang putahe na dadalhin nila.
Samantala...
Nag aayos narin si Mommy Iris.
Bumababa si Berting galing sa kwarto dala ang bag na me lamang mga damit nya.
Mommy Iris: Ready na anak? Nasakay ko na sa kotse yung spaghetti noodles at sauce pati yung shanghai at fried rice. Nakadaan ka ba sa bakeshop?
Berting: Opo.
Mommy Iris: Tara at gumagabi na.
Binuhat ni Berting ang cake na binili nya at sinakay ito sa likod.
Ini start naman ni Mommy Iris ang makina ng Super Grandia.
Mommy Iris: Wala ng nalimutan?
Sumenyas si Berting ng wala.
Umatras papalabas ng garahe ang van. Sinara naman ni Berting ang gate at sumakay narin sa harap.
Umandar na ang van.
Mommy Iris: Alam na ba nya na sa Australia ka mag ko kolehiyo?
Berting: I will tell her Mom pag nasabi ko narin yung nararamdaman ko sa kanya.
Mommy Iris: Okay. Basta anak kung ano mang maging desisyon mo, you will have my full support.
Berting: Thanks Mom!
Ilang saglit lang ay dumating narin sila sa harap ng bahay ni Dina.
BINABASA MO ANG
DINA B? #JaDineFiction
RomanceBasahin ang istorya nina Dina at Berting... DINA B? A Love Written In A Song. DISCLAIMER Ang kwentong inyong mababasa ay likha lamang ng aking malikot na pag-iisip. Ang pagkakahawig sa pangalan, tao, lugar at pangyayari ay siguradong nagkataon po la...