DINA B? (pahina 8)

643 19 7
                                    

Umaga.

Tapat ng bahay ni Dina.

Nakatayo si Dina sa labas ng bahay nila. Binuhat nya ang bag ng makitang paparating na ang service ng school nila.

Kinuha ng assistant ng service ng school ang bag ni Dina. Pagkabukas ng pinto, sa pangunguna ni Ackie na lulan na ng sasakyan, lahat ay sumigaw ng...

"Ikaw na!"

Sumakay ng service si Dina.

Lahat ng babaeng ka batchmate nya ay hindi makapaniwalang mag de date sila ni Gregg. Lahat ay umuopinyon at kinikilig.

Dina: Nakakaloka ka talaga.

Ackie: Sorry. I'm a proud friend!

Tumigil ulit ang school service. This time sa tapat ng bahay nina Berting.

Sumakay si Berting sa loob. Pagkaupo, tumingin sya kay Dina.

Berting: Morning bessy!

Dina: Morning!

Ackie: Huy Berting! Bukas ha? Wag na wag kang mawawala! 5pm!

Berting: I will be there, promise!

Makikitang paliit ng paliit ang school service habang bumabyahe ito patungo sa kanilang eskwelahan.

DINA B? #JaDineFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon