Tapat ng bahay nina Dina.
Alas singko.
Binuksan ni Dina ang pinto ng sasakyan.
Dina: Hello!
Ngumiti si Gregg. Nakaputing polo at jeans.
Gregg: Hop in!
Sumakay si Dina sa passenger seat si Ackie naman sa likod.
Gregg: O asan si Robert?
Dina: Yun nga eh wala pa. Ah Gregg... Ok lang ba kung daanan na lang natin sya. Dyan lang sa kabilang kalye ang bahay nun.
Gregg: Sure...
Umandar ang sasakyan. Pagdating sa kanto kumaliwa ito at kumaliwa ulit sa sumunod na kalye.
Makikita nilang naglalakad si Berting, me sukbit na knappsack sa likod.
Dina: Ayan na pala sya...
Pinindot ni Dina ang bukasan ng bintana at dahan dahan itong bumaba.
Dina: Bat ang tagal mo?
Berting: Me inuutos pa kasi si Mommy eh.
Dina: Tara na?
Nahalata ni Berting na nagmamadali na talaga sina Dina.
Berting: Sige.
Binuksan ni Berting ang pinto sa likod.
Nakapose si Ackie.
Ackie: Gulat ka no?
Ngumiti si Berting at nilagay ang bag sa kanyang tabi.
Berting: Tol, pasensya na ha? Dinaanan nyo pa tuloy ako.
Gregg: Ok lang yun bro!
Umandar na ulit ang kotse at tumungo na sa kanilang pupuntahan.

BINABASA MO ANG
DINA B? #JaDineFiction
RomanceBasahin ang istorya nina Dina at Berting... DINA B? A Love Written In A Song. DISCLAIMER Ang kwentong inyong mababasa ay likha lamang ng aking malikot na pag-iisip. Ang pagkakahawig sa pangalan, tao, lugar at pangyayari ay siguradong nagkataon po la...