Sta Rosa.
Campus Grounds.
Naglalakad si Berting dala ang kanyang gitara ng biglang...
"BERTING!"
Lilingon si Berting.
Berting: Uy... Bess!
Lalapit si Dina kay Berting.
Dina: Yung totoo? Iniiwasan mo ba ako bess?
Ngingiti sya kay Dina.
Berting: Busy lang po... Kumusta ka na? Kumusta na... kayo?
Hindi masayang sasagot ang kaibigan.
Dina: Ewan ko ba? Medyo hindi ok eh.
Magtataka si Berting.
Berting: Ha? Eh ang sweet nyo pa nga sa prom. Anung nangyari?
Hahawiin ni Dina ang buhok nya para ipitin sa kanyang tenga.
Dina: Samahan mo na muna ako ok lang ba? Dun muna tayo sa bahay kung ok lang sayo?
Ngingiti si Berting.
Berting: Oo naman. What are friends for? Teka asan si Ackie?
Sasagot si Dina.
Dina: Naku, me trangkaso. Sya, dun na natin ituloy ang chikahan sa bahay. Papaluto na din ako ng masarap na dinner kay Yaya.
Lalakad si Dina, susunod naman dito si Berting.

BINABASA MO ANG
DINA B? #JaDineFiction
RomanceBasahin ang istorya nina Dina at Berting... DINA B? A Love Written In A Song. DISCLAIMER Ang kwentong inyong mababasa ay likha lamang ng aking malikot na pag-iisip. Ang pagkakahawig sa pangalan, tao, lugar at pangyayari ay siguradong nagkataon po la...