DINA B? (pahina 6)

703 25 5
                                    

Bahay nina Berting.

Terrace.

Gabi.

Sumisilip si Berting sa telescope at tumitingin sa mapa ng mga constellation na nakalatag sa mesa.

Di nya napansin na nasa likod na nya ang Mommy nya, nakasuot ng puting pantulog at may cream sa mukha.

Berting: Mom!!! Don't do that again!

Mommy Iris: Ang alin anak?

Berting: You scared me...

Mommy Iris: Anak, beauty product 'tong nasa mukha ko hindi prosthetics!

Hindi kikibo si Berting. Sisilip ulit sa teleskopyo.

Mommy Iris: Naku anak. Kabisado na kita. Ayan ka na naman sa kakatingin mo dyan sa langit pero ang tinatangi mong bituin ay kapit-bahay lang natin.

Hindi parin kikibo si Berting.

Mommy Iris: Anak. Mind telling me what's bothering you?

Berting: It's Dina Mom. She's going out with the star player ng basketball this Sat.

Mommy Iris: Ahh... Jelly Fish.

Berting: Jelly Fish?

Mommy Iris: Nagseselos ka. Halatang-halata!

Berting: Hindi ah...

Mommy Iris: Mamatay?

Berting: I know the guy Mom. That Gregg... he is a player!

Mommy Iris: O hindi nga ba? Star player kamo ng basketball?

Berting: I mean player... Babaero. Sasaktan sya nun and that's for sure!

Mommy Iris: Eh ba't parang mas nauna ka pang nasaktan kay Dina? Wala pa ngang Saturday? Hindi pa nga nangyayari yung date? Pero lamang ka na ng ilang buwan sa kanila...

Bubuntong hininga lang si Berting

Mommy Iris: Sasama lang lagi ang loob mo anak if you don't stop masquerading as Dina's bestfriend. Why don't you tell her the truth.

Berting: I can't! We're bestfriends!

Mommy Iris: Then put your friendship to the test!

Berting: Hindi naman ganun kadali yun.

Huhubarin ni Berting ang kanyang salamin at pupunasan ng laylayan ng kanyang shirt...

Berting: Ang mahirap kasi sa LOVE, walang pasang awa... Pag di mo nakuha yung sagot, bagsak ka! Kaya kuntento na ako kung anong meron kami ni Dina...

Lalapit ang ina at hahawakan ang magkabilang balikat ng anak.

Mommy Iris: Pero ang tanong anak... Kuntento ka ba talaga?

DINA B? #JaDineFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon