Resort.
Gabi.
Pinapainit nina Mommy Iris at Yaya ang mga dinalang pagkain. Nakahanda narin sa table ang ilan.
Samantala...
Nakatingin naman si Berting at Ackie kay Dina na hindi na maitago sa kanyang mukha ang pagkainis.
Ackie: Diba tinawagan mo naman sya kanina pagdating natin?
Dina: Oo. Kaso hindi naman nasagot.
Berting: Baka naglalaro or iniwan cell nya sa locker.
Ackie: Tinext mo na ba?
Titingin sa cellphone si Dina.
Dina: Oo. Kakasagot lang ngayon.
Ackie/Berting: Anong sabi?
Dina: Tinanong ko kasi kung nasan na sya. Sabi nya Malapit na. Sabi ko saang banda, sabi nasa EDSA na...
Ackie: BFF, hindi naman sa panggagatong pero alam naman natin na ang haba haba ng EDSA, from Balintawak to MOA yun te!
Mapapaisip si Dina. Nalulungkot naman si Berting para sa kanya. Nahalata din ni Ackie na naapektuhan ang kaibigan sa nasabi. Bigla itong babawi.
Ackie: At bukod dun matraffic sa EDSA BFF! Diba Berting?
Berting: Oo nga!
Ackie: Alam mo ba nuong manganganak na ang nanay ko sakin, dun sila napadaan, pagdating nila ng ospital, 2 years old na ako!
Matatawa si Dina at ang dalawa.
Dina: BFF? Bat hindi ka mag comedian?
Iirap si Ackie.
Ackie: I'm too pretty to become one.
Sabay na mapapasagot si Dina at Berting.
Berting/Dina: Wow!!!
Maririnig ng tatlo ang boses ni Mommy Iris. Tinatawag na sila para kumain.
BINABASA MO ANG
DINA B? #JaDineFiction
Roman d'amourBasahin ang istorya nina Dina at Berting... DINA B? A Love Written In A Song. DISCLAIMER Ang kwentong inyong mababasa ay likha lamang ng aking malikot na pag-iisip. Ang pagkakahawig sa pangalan, tao, lugar at pangyayari ay siguradong nagkataon po la...