Sta Rosa.
Tapat ng bahay nina Berting.
Ilang araw ng tinatawagan ni Dina ang kaibigan. Nagtaka din ito kung bakit hindi nya makita ang Facebook account nito kaya naisipan nyang puntahan na lang ito sa kanila.
Dina: Berting!
Pinindot nya ang doorbell at lumabas ang isang lalake.
Dina: Good morning po! Andyan po ba si Berting.
Sumagot ang kausap.
Joven: Ay naku! Wala na. Nasa Australia na sila! Mag limang araw na. Tito ako ni Robert.
Magugulat si Dina.
Dina: Australia po?
Ngingiti ang lalake.
Joven: Oo! Dun kasi sya gustong pag-aralin ng lola nya. Sino po ba sila?
Ngumiti si Dina.
Dina: Si Dina po, bestfriend ni Robert.
Biglang mapapaisip ang kausap.
Joven: Ay teka sandali, ikaw ba kamo si Dina. Naku me iniwang sulat sayo si Robert! Teka't kukunin ko... Pasok ka na kaya muna Dina?
Dina: Hindi na po.
Joven: O sige. Anjan ko lang naman nilagay sa me sala. Sandali lang.
Ilang segundo lang ay hawak hawak ng kausap ang isang papel.
Joven: Ay eto. Binilin nya yan na sayo lang ibibigay.
Ngumiti si Dina.
Dina: Salamat po!
BINABASA MO ANG
DINA B? #JaDineFiction
RomanceBasahin ang istorya nina Dina at Berting... DINA B? A Love Written In A Song. DISCLAIMER Ang kwentong inyong mababasa ay likha lamang ng aking malikot na pag-iisip. Ang pagkakahawig sa pangalan, tao, lugar at pangyayari ay siguradong nagkataon po la...