Madaling araw.
Hallway ng hotel.
Tutunog ang elevator sa pagtigil nito sa 4th floor.
Bubukas ang bakal na pinto nito.
Makikitang akay akay ng ka bandmate ni Berting ang binata. Palibhasa hindi naman sya sanay uminom, nalasing sya agad sa alak na pinuslit ng mga kasamang tumugtog kanina.
Pipindutin nila ang doorbell ng room 405.
Maririnig ang yabag ng paa, at ang tunog ng bakal na panglock sensyales na bubuksan ang pinto.
Mawawala ang antok ni Mommy Iris sa makikita.
Mommy: Robert John?! Anong nangyari sa anak ko?
Bandmate: Naku Tita! Ayaw magpaawat, sabi nya kaya daw nya...
Magagalit si Mommy Iris.
Mommy Iris: Bakit nyo naman kasi pinainom? Hindi naman ito umiinom ng alak! Naku!
Bandmate: Pinigilan po namin yan Tita. Naku iniinom lahat ng tagay. Tas nung nalasing walang ginawa kundi tawagin si Dina... Kayo po ba yun Tita?
Titingin si Mommy Iris sa anak, didilat ito ng bahagya sabay sabing...
Berting: Susuka ako... Susuka ako.
Pinagtulungang buhatin ng kanyang ka bandmate pati na ni Mommy Iris si Berting papunta sa banyo.
Sumuka si Berting sa may toilet bowl.
Mommy Iris: Iho makikikuha nga ng mineral water dyan sa table.
Dagling sinunod ng binata ang pakisuyo ni Mommy Iris.
Pinainom naman nya ito agad sa anak.
Bandmate: Alis na po ako mam.
Titingin si Mommy Iris sa binata.
Mommy Iris: Sige iho. Salamat.
Magsasalitang muli ang ka bandmate ni Berting.
Bandmate: Mam, sorry po sa nangyari. Huwag nyo na lang po sana kaming isumbong.
Ngingiti si Mommy Iris.
Mommy Iris: Next time na ulitin nyo 'to ng hindi ako niyayaya, isusumbong ko talaga kayo.
Ngingiti din ang kausap.
Bandmate: Hehe. Sige po. Next time.
Mommy Iris: Iho, bago ka umalis, buhatin na muna natin sya sa kama.
At binuhat ng dalawa si Berting upang makahiga na sa kama.
Pagkatapos nun umalis narin agad ang ka bandmate nya.
Nagpainit ng tubig si Mommy Iris at pinunasan ng mainit na facetowel ang anak.
BINABASA MO ANG
DINA B? #JaDineFiction
RomanceBasahin ang istorya nina Dina at Berting... DINA B? A Love Written In A Song. DISCLAIMER Ang kwentong inyong mababasa ay likha lamang ng aking malikot na pag-iisip. Ang pagkakahawig sa pangalan, tao, lugar at pangyayari ay siguradong nagkataon po la...