DINA B? (pahina 27)

498 10 0
                                    

Sta Rosa.

Tanghali.

Fastfood.

Nag uusap sina Berting, Dina at Ackie habang kumakain.

Berting: Ba't nyo naman ata naisipang mag trip ng ganitong kaaga?

Dina: Dati pa naman natin to ginagawa.

Iniikot ni Ackie ang kanyang fork sa spaghetti. Bigla nyang tinanong si Berting.

Ackie: Buti di kayo nagkadevelopan no? Kasi infairness, minus the glasses, cute ka.

Na flattered si Berting.

Berting: Hilig ko kasing magbasa talaga kaya ang aga ding lumabo ng paningin ko.

Ackie: Naku kung pinakilala ka lang agad ni BFF sakin nuon, me chance ka!

Buti na lang napigilan ni Dina na di mabuga ang iniinom nya.

Dina: Mag menor pala ha?

Ngingiti si Ackie sa kanya.

Dina: Ang tanong me chance ka ba sa kanya?

Ackie: Choosy ka pa ba Berting? Anyway, what I said was a joke. Besides I am not attracted to guys wearing glasses.

Berting: What's wrong ba with my glasses?

Ackie: Ang lakas maka Dexter Laboratory sa Cartoon Network!

Matatawa lang si Berting.

Dina: Bibig mo BFF!

Mabibigla si Ackie...

Ackie: No pun intended.

Berting: Ganun ba? Sige, I'll consider that soon.

Magsasalita pa sana si Ackie ng biglang nag ring ang cel ni Dina.

Dina: Hello Ma?

Sasagot ang Mama ni Dina.

Dina: Ay bakit? Sayang yaya is planning to cook sana lunch for Kuya and you...

Titingin si Dina sa magkaibigan at sesenyas na hindi na naman matutuloy ang Mama at Kuya nya na lumuwas.

Dina: Ok po. Sige. Ingat kayo dyan. Love you!

Babalik ni Dina ang cel sa bag.

Ackie: Di na naman sila tuloy?

Dina: Ewan ko ba? Excited pa naman ako.

Berting: Sayang naman.

Dina: Oo nga eh.

Tatayo si Ackie.

Ackie: BFF. I need to go home. Kagabi pa ako wala. Baka talakitok ang ulamin ko mamaya. Me church pa kami.

Dina: Tara.

Ackie: Idaan nyo na lang ako sa bahay para me mag-uwi din nitong bike sa inyo.

Dina/Berting: Ok!

Lumabas ang magkakaibigan at muling sumakay sa dalang mga bisekleta.

DINA B? #JaDineFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon