Gym
Hapon.
Basketball game ni Gregg.
Dikit ang laban. 4th quarter na at 10 seconds na lang ang natitirang oras. Lamang ang Juniors ng isang puntos sa Seniors.
Nakatayo si Gregg sa 3 point area. Binigyan ng screen ang sentro.
Mahigpit na binabantayan si Gregg pero napasahan parin sya ng bola.
8 seconds sa orasan.
Me papalapit sa kanyang kalaban.
Isang malupit na crossover ang kanyang ginawa at naiwan nya ang kalaban. Pag ka drive nya sa ilalim ng ring, sumabay ang sentro ng kalaban.
3 seconds na lang.
Imbes na I le lay up nya ng derecho, iniwas nya ang bola sa kalaban at nilipat nya sa kaliwang kamay upang ma ishoot sa ring.
Pasok!
At isang buzzer beater ang tumapos sa laro.
Sigaw ng sigaw si Dina at Ackie.
Nakangiti lang si Berting.
Tumingin si Gregg kung nasan si Dina.
Kinabog ang kanyang dibdib sabay turo sa kanya.
Ackie: Ang haba ng hair mo abot dun!
Nakangiti lang si Dina kay Gregg.
Nagpaalam naman si Berting kay Ackie.
Berting: C.R. lang ako.
Hindi matapos ang hiyawan. Niyayakap ng mga ka teammate si Gregg.
BINABASA MO ANG
DINA B? #JaDineFiction
RomanceBasahin ang istorya nina Dina at Berting... DINA B? A Love Written In A Song. DISCLAIMER Ang kwentong inyong mababasa ay likha lamang ng aking malikot na pag-iisip. Ang pagkakahawig sa pangalan, tao, lugar at pangyayari ay siguradong nagkataon po la...