School Quadrangle.
Pagabi.
Habang naghihintay si Dina kay Gregg.
Ackie: "Galing nya sobra! Yun yung tinatawag na "The Moves!" habang minimwestra ni Ackie ang naging kilos ni Gregg kanina sa court.
Natawa si Dina sa kaibigan.
Dina: Loka-loka ka talaga! Teka, asan pala si Berting?
Ackie: Si C.R. lang daw sya eh.
Dina: Eh ba't wala pa?
Ackie: Eh malamang tumatae!
Dina: Yuck!
Sabay dating naman ni Gregg...
Gregg: Dina, i'm sorry naghintay ka ng matagal.
Dina: Ok lang. It's worth the wait. Ang galing-galing mo kanina!
Ackie: Sobra! Namaos kami kakatili!
Gregg: Salamat naman! Haha! Uhm... Ackie can you excuse us. Me sasabihin lang ako kay Dina sana... Kung ok lang?
Ackie: Actually, ako nga yung mag e excuse dapat kasi hahanapin ko si Berting. Kanina pa wala! O sya! Dina, text me na lang ok? Dun lang ako sa me bench, malapit sa gate.
Dina: Ok Ackie. Hanapin mo narin si Berting.
Gregg: Salamat Ackie!
Ackie: No worries!
Naiwan sina Dina sa Quadrangle.
Dina: Ano pala yun?
Gregg: Wala naman. Gusto lang kitang ma solo. Lagi ka kasing me kasama.
Dina: Sorry. Nasanay na din kasi ako na laging kasama mga friends ko.
Gregg: That's what I appreciate about you. Yung pagiging caring mo.
Dina: Talaga ba? Hmm. Alam mo, actually, ako nga itong nagtataka.
Gregg: Saan?
Dina: Bakit ako? I mean, i am not a popular student. Bakit hindi yung mga magagandang cheer leaders ang pormahan mo? Bakit ako?
Gregg: Bakit hindi?
Dina: Hindi ako bagay sayo Gregg...
Gregg: Bakit?
Dina: Sikat ka and...
Hahawakan ni Gregg ang mukha ni Dina.
Gregg: I like you Dina, nuon pa! Oo sikat ako sa school pero kahit ilang trophy o medal pa ang isabit sakin, Walang silbi yun kung wala ka.
Dahan-dahang maglalapit ang mukha ng dalawa. Ngunit biglang darating si Ackie kasama si Berting.
Ackie: Natagpuan ko na sya... At tama ang aking kutob!
Berting: Kutob na?
Matatawa si Dina habang kitang kita sa mukha ni Gregg ang pagkainis sa pagdating ng dalawa.
BINABASA MO ANG
DINA B? #JaDineFiction
RomanceBasahin ang istorya nina Dina at Berting... DINA B? A Love Written In A Song. DISCLAIMER Ang kwentong inyong mababasa ay likha lamang ng aking malikot na pag-iisip. Ang pagkakahawig sa pangalan, tao, lugar at pangyayari ay siguradong nagkataon po la...