DINA B? (pahina 54)

390 8 1
                                    

Sta Rosa.

Gabi.

Kwarto ni Ackie.

Feel na feel ni Ackie ang panonood ng DVD ng "Fault In Our Stars"

Umiiyak ito sa tagpong nagbibigay ng eulogy si Isaac at Hazel kay Augustus Waters.

Ackie: Tatrangkasuhin yata ako ulit sa palabas na to!

Sabay kuha ng tissue at suminga dito.

Biglang nag ring ang kanyang cellphone.

Si Dina!

Agad itong sinagot ni Ackie.

Ackie: BFF!!!

Napahagikgik si Dina.

Dina: Magaling ka na? Bakit parang sinisipon ka pa ata?

Ackie: Umiiyak ako...

Dina: Bakit? Anong nangyayari sayo? Wag mong sabihin me taning ka na?

Kakatok si Ackie sa kanto ng kanyang kama.

Ackie: Me taning agad? Sobra! Nanunuod ako ng pelikula gaga!

Tatawa si Dina.

Ackie: Anong latest?

Dina: Eto... Kakauwi lang sa bahay.

Ackie: Saan ka rumampa te?

Dina: Nanuod kami ng sine ni Gregg...

Ackie: Ha? Eh kala ko ba M.I.A. yang magaling mong dyowa? Nagkatrangkaso lang ako ang dami ng naganap!

Dina: Ok na kami. Nag sorry na sya.

Dadamputin ni Ackie ang remote at I pa pause ang pinapanuod.

Ackie: Buti naman at na realize nya na mali sya! Dyos ko! Kaya pala nagmamadali syang ihatid ako nun dahil me masama syang balak!

Dina: Kaya nga pinatawad ko na!

Ackie: Naku naku naku! Papatawarin mo ngayon, tas papatuwarin ka na nyan bukas!

Tatawa si Dina.

Dina: Bunganga mo BFF!

Tatawa din si Ackie.

Ackie: Nga pala anong ganap sa birthday mo?

Dina: Bahay lang... Kaunting handa.

Tatayo si Ackie sa pagkakahiga...

Ackie: Bahay lang? Kaunting handa? Ay friend alam mong hindi kasama sa mga plano ko ang makipag kaibigan sa mga gipit.

Tatawa ulit si Dina.

Dina: Naku BFF kung alam mo lang. Ayokong gumastos. At saka me kutob talaga akong me problema si Mama sa Gapo. At saka ok na yun, ang mahalaga ang presence!

Ackie: Hindi hindi! Para ke pang naging BFF mo ako! Hello? 16th Birthday mo yun... Dapat kahit papano bongga! Teka let me think.

Dina: Kaya kita love eh!

Biglang me maiisip si Ackie.

Ackie: BFF! Dyos ko! Nga pala! Naaalala mo, me resort ang Tito ko sa Calamba! Overnight tayo! Potluck ganern! Pahatid tayo sa dyowa mo...

Dina: Kaso me lakad si Gregg ng araw na yun. Kailangan nyang pumunta ng Ateneo. Dun kasi sya mag-aaral.

Mag re react si Ackie.

Ackie: Ikaw na talaga! Ikaw na ang me boyfriend na Atenista!

Dina: Paano yun?

Ackie: Si Berting sasama ba?

Dina: Oo naman!

Ackie: Perfect! Me van sina Berting diba? Solve!

Dina: Sinong mag da drive?

Buong ningning na sasagutin ni Ackie si Dina.

Ackie: Si Tita Iris!!!

DINA B? #JaDineFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon