DINA B? (pahina 46)

403 12 5
                                    

11:00pm

Kwarto ni Dina.

Nakahiga si Dina sa kama. Hawak hawak ang kanyang telepono habang bina browse ang mga litrato nila ni Gregg.

Bubuntong hininga.

Nilapag nya ang telepono at bumangon sa kama. Tumungo sya sa banyo at tinignan ang sarili sa salamin. Kinuha nya ang kanyang toothbrush sa toothbrush holder at nilagyan ito ng toothpaste. Binuksan ang gripo at binasa ito ng bahagya saka pinasok sa kanyang bibig at nagsimula na syang mag sipilyo.

Biglang nag ring ang phone. Si Gregg!

Dali dali syang nagmumog at sinagot ang tawag.

Dina: Hello?

Gregg: Miss mo na ba ako?

Magtatampo tampuhan si Dina.

Dina: Ewan...

Gregg: Sorry. Naging busy lang. Inaayos ko kasi requirements ko for college.

Mapapangiti si Dina. Hindi nya halos makubli na masaya sya sa pagtawag ng boyfriend.

Dina: That's good. Pero sana lang diba naaalala mo parin ako kahit papano...

Gregg: Oo naman! Busy lang talaga. Hey! Nga pala, me good news ako sayo. Ina eye ako ng Ateneo para maging varsity player nila.

Matutuwa si Dina.

Dina: Really? That's so cool!

Gregg: Though afford naman ni Papa to send me to Ateneo pero syempre iba parin pag varsity player ka. I'm going there next week.

Biglang me maaalala si Dina.

Dina: Next week? Uhm, teka... I'm sure nakalimutan mo na.

Gregg: Na? Hmmm... Ay, nga pala, birthday mo next week!

Dina: Mm mm...

Gregg: See hindi ko nakalimutan.

Hihiga sa kama si Dina.

Dina: Pano yun?

Hinihintay nyang sumagot si Gregg.

Gregg: Don't worry. After that, kita tayo agad ok?

Dina: Okay...

Gregg: O sya, inaantok na ako. Call you tom! Bye!

Dina: Love you...

Nag hang up na si Gregg.

Tumagilid si Dina at nilagay ang telepono sa tabi. Ilang saglit lang, nakatulog narin sya agad.

DINA B? #JaDineFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon