DINA B? (pahina 84)

326 6 2
                                    

Sta Rosa.

Midnight.

Papauwi na si Dina at Gregg.

Malakas parin ang buhos ng ulan.

Tumigil sa tapat ng clubhouse si Gregg.

Kinabahan si Dina.

Gregg: Wag kang mag alala. Alam ko na natatakot ka sa ginawa ko nuong una tayong tumigil dito.

Magtataka si Dina.

Dina: Nag da drama ka ba Gregg.

Nakatingin lang si Gregg sa salamin ng windshield. Nahihirapan syang tignan si Dina.

Gregg: Siguro... Dito din sa kung saan tayo tumigil nuon, dito narin natin dapat itigil ito.

Tahimik sa loob ng sasakyan.

Dina: Eto na ba yun? Yung mahalagang sasabihin mo sakin?

Hihinga ng malalim si Gregg.

Gregg: Dina, I'm sorry.

Nangingilid ang luha ni Dina.

Dina: Are you breaking up with me Gregg?

Hindi makakasagot si Gregg.

Pumatak ang luha ni Dina.

Dina: Bakit? Anong nagawa ko?

Titingin si Gregg kay Dina.

Gregg: Wala... Ako ang me kasalanan.

Hindi na napagilan ni Dina ang kanyang emosyon. Humahagulgol sya habang sinasabi kay Gregg lahat ng nararamdaman nya.

Dina: Hindi kita kinulit! Sinoportahan kita dahil alam ko pangarap mo yan! Hindi ako naghanap! Hinihintay kita araw araw! Nagdadasal ako na sana daanan mo ako sa bahay ulit! Manuod ng sineng magkasama! Anong pagkukulang ko sayo Gregg! Bakit? Sabihin mo sakin, bakit ka nagbago?

Nangingilid narin ang luha ni Gregg. Bubuntong hininga ito.

Gregg: I've fallen in love with someone... with Samantha!

Biglang babalik sa ala-ala ni Dina yung tagpong nasa Resort sila nung birthday nya. Yung late ng dumating si Gregg. Yung nag misscall ng madaling araw, si Ateneo Sam na buong akala nya ay lalake.

Napahagulgol ng iyak si Dina.

Dina: Niloko mo ko! Ang bait-bait ko sayo!

Gregg: Sorry...

Kukunin ni Dina ang kanyang bag at baba sa sasakyan.

Umuulan ng malakas pero hindi yun iniinda ni Dina.

Umaandar naman ang sasakyan ni Gregg ng dahan dahan. Sinasabayan ang paglalakad ni Dina.

Gregg: Dina! Magkakasakit ka! Sumakay ka na dito?

Tumingin si Dina sa kotse ni Gregg.

Dina: At kelan ka pa naging concern sakin putang ina ka!

Dumampot si Dina ng bato.

Dina: Isa pang sunod mo sakin... babasagin ko yang salamin ng sasakyan mo!

Sige parin ang pakiusap ni Gregg sa kanya.

Sumigaw si Dina sabay bato ng batong hawak nya sa sasakyan tumama ito sa gilid. Napilitang iwan ni Gregg si Dina.

Walang patid ang pagbasak ng luha sa mga mata ni Dina na itinatago ng malakas na buhos ng ulan.

DINA B? #JaDineFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon