DINA B? (pahina 75)

348 7 1
                                    

Tanghali.

Bahay nina Berting.

Maririnig ang tunog ng doorbell.

Sisilip si Mommy Iris.

Mommy Iris: Kuya Joven!

Papasok ang isang lalaking nasa edad singkwenta na.

Joven: Kumusta?

Mommy Iris: Mabuti naman. Ikaw lang ang bumyahe? Asan si Ate Mercy?

Joven: Ay na andun sa bahay at inaasikaso ang mga anak namin. Si Berting asaan?

Mommy Iris: Me rehearsal, graduation na kasi nun bukas. Tara Kuya at pumasok ka na muna't mainit dyan sa arawan.

Naglakad papasok sa loob ng bahay ang dalawa.

Mommy Iris: Kuya, kapag natuloy kami tatawag na lang ako kay Ate kung ano ang gagawin sa mga naiwang gamit. Baka paupahan ko din kasi itong bahay.

Joven: Bakit kasi kailangan pang sa Australia mag aral ni Berting.

Mommy Iris: Paboritong apo kasi si Berting ng Lola Mama nya. Palibhasa'y hawig na hawig sa anak nya.

Biglang may maaalala si Mommy Iris.

Mommy Iris: Ay naku! Kumain ka na ba?

Joven: Naku hindi pa nga't kakabyahe lang.

Mommy Iris: Sige Kuya, mag relax ka lang dyan at sabay na tayong mananghalian.

Tumungo si Mommy Iris sa kusina at naghanda ng kanilang pananghalian.

DINA B? #JaDineFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon