DINA B? (pahina 9)

620 18 21
                                    

Isang kilalang University sa Sta Rosa, Laguna ang eskwelahan nila. Halos dito na sila nag-aral mula prep up to the present.

Malaki at maganda ang pagkakadesenyo dito.

Sa hindi kalayuan, makikitang paparating na ang school service na sinakyan nila kanina.

Bumukas ang pinto at isa-isang bumaba ang mga estudyante.

Binuhat ni Berting ang gamit ni Dina.

Dina: Ako na bess.

Berting: Ako na.

Biglang nagbiro si Ackie.

Ackie: Eto pa po manong.

Ngumiti si Berting.

Sa likod nila me sumigaw... Si Gregg.

Gregg: Dina!

Lumapit ito sa tatlo.

Gregg: Guys, me game kami mamaya. Nuod naman kayo pls.

Tumingin si Gregg kay Dina.

Gregg: Pls?

Hindi maitago ni Dina ang kilig na nararamdaman.

Mainam naman na naitago ni Berting ang inis.

Berting: Bess, hinihintay nya yung sagot mo...

Sumabat narin si Ackie...

Ackie: Ay sure naman na oo ang sagot nyan! Diba BFF?

Dina: Sige Gregg. Nuod kami!

Ngumiti si Gregg.

Gregg: Thanks thanks! After classes pa naman yung game. Wag kang mawawala ha? That game is for you.

Nag blush si Dina. Napatingin naman sa relo si Berting.

Berting: Tara na? Ma le late na tayo... Mabilis kasi ang oras sa loob ng school eh medyo su mo slow mo dito.

Naunang naglakad si Berting. Sumunod naman si Ackie.

Tumingin si Dina kay Gregg.

Dina: Thank you and see you.

Ngumiti si Gregg kay Dina.

Gregg: See you!

DINA B? #JaDineFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon