Science Class.
Highschool.
Tahimik na nakikinig ang lahat sa guro na nasa harap.
"Good morning! I am your science teacher Miss Tapucar. I just want to remind everyone in this class na ayoko sa lahat yung di nakikinig because this is not a simple subject! And let me remind you also na mabagsik pa ako sa alin mang prehistoric creature na nabuhay nuon kapag tinanong ko kayo at kinamutan nyo lang ako ng ulo! Pero I can also be sweeter than honey kapag magaling kayo at attentive sa klase ko! Are we clear?"
"Grabe naman si Miss Tapucar, first day pa lang sumusuper FIERCE na!" bulong ni Dina kay Berting.
"Kaya let's listen to her na lang coz..."
Ngunit bago pa man masabi ni Berting kay Dina ang nais nyang sabihin, bigla itong tinawag ni Miss Tapucar.
"Iho? What is your name?" tanong ng teacher.
Kabadong sumagot si Berting.
"Robert po..."
Lumakad si Miss Tapucar at nagsalita."Robert, iho, Can you give me not just a simple but a profound definition of Science?"
"Patay..." bulong ni Dina.
Tahimik ang klase.
Huminga ng malalim si Berting.
"Mam, Science is an organized body of knowledge gathered for a long period of time to explain the world we live in and to solve problems in our quest to gain masterly over our environment." pagtatapos nya.
"PURRFECT!!!" sambit ni Miss Tapucar.
Sabay ngiti ni Berting kay Dina...
BINABASA MO ANG
DINA B? #JaDineFiction
RomanceBasahin ang istorya nina Dina at Berting... DINA B? A Love Written In A Song. DISCLAIMER Ang kwentong inyong mababasa ay likha lamang ng aking malikot na pag-iisip. Ang pagkakahawig sa pangalan, tao, lugar at pangyayari ay siguradong nagkataon po la...