Sta Rosa.
Bahay nina Dina.
Nakatulala si Dina habang kinakausap ni Ackie.
Ackie: BFF... Kung laging ginagawa sayo yan ni Gregg eh mas mabuti makipaghiwalay ka na lang sa kanya. Sabi nga sa isang quote "It is better to be alone and happy than to be with someone and feel lonely!"
Sasagot si Dina.
Dina: Paano ko yun sasabihin sa puso ko BFF? Minsan kinumpronta ko sya kung ano bang problema. Sabi nya " Wala, busy lang..." Gusto ko man syang paniwalaan pero hindi ganun yung nararamdaman ko. Iba eh. Me nag-iba!
Humawak sa ulo si Ackie.
Ackie: Gusto mo iganti kita? Papaibigin ko si Gregg. Pagkatapos, kapag hulog na hulog na sya sakin... I WILL DROP HIM LIKE A HOT POTATO!
Titingin si Dina sa kaibigan.
Dina: Seryoso ako BFF!
Mamemewang si Ackie.
Ackie: Hindi ako nagbibiro. I can do that!
Bubuntong hininga si Dina.
Dina: Hay... Sana hindi na lang sya kinuha ng Ateneo!
Matatawa si Ackie.
Ackie: Ay mahirap pataubin ang Ateneo te!
Ngunit kahit anong gawing pagbibiro ni Ackie, sadyang hindi nya mapatawa ang matalik na kaibigan.
BINABASA MO ANG
DINA B? #JaDineFiction
RomanceBasahin ang istorya nina Dina at Berting... DINA B? A Love Written In A Song. DISCLAIMER Ang kwentong inyong mababasa ay likha lamang ng aking malikot na pag-iisip. Ang pagkakahawig sa pangalan, tao, lugar at pangyayari ay siguradong nagkataon po la...