Linggo.
Alas onse ng umaga.
Nakangiti si Dina kay Berting. Lalapit na sana sya ngunit tinulak sya ni Gregg.
Napatingin sya sa kanyang likod. Kung hindi nya mababalik ang balanse nya sa harap tiyak mahuhulog sya sa ikaapat na palapag ng mall.
Sumigaw si Dina...
Dina: Berting!!!
Nahulog si Berting sa kama.
Bumangon si Berting na sapo-sapo ang kanyang noo.
Sumisigaw pa rin si Dina.
Dina: Berting!!!
Lumabas si Berting sa kwarto at sumilip sa kanilang terrace.
Kumakaway si Dina at Ackie na parehong nakasakay sa bisikleta.
Berting: Aga nyo ah?
Dina: Tara!
Ngumiti si Berting.
Berting: Give me 20 mins. Pasok! Andyan si Mommy sa baba! Sandali...
Bumalik si Berting sa kwarto at dumaan sa isa pang pintuan papunta sa hagdan.
Berting: Mommy!
Mommy Iris: Good morning nak! Kain ka na?
Berting: Andyan sina Dina sa baba. Paki patuloy. Mag sha shower lang po ako!
Mommy Iris: Roger that!
Lumabas si Mommy Iris at binuksan ang gate ng garahe.
Mommy Iris: Tuloy mga beautiful!
Dina/Ackie: Good morning Tita!
Bumeso si Ackie at Dina kay Mommy Iris at pumasok na sa kanilang bahay.
BINABASA MO ANG
DINA B? #JaDineFiction
Roman d'amourBasahin ang istorya nina Dina at Berting... DINA B? A Love Written In A Song. DISCLAIMER Ang kwentong inyong mababasa ay likha lamang ng aking malikot na pag-iisip. Ang pagkakahawig sa pangalan, tao, lugar at pangyayari ay siguradong nagkataon po la...