Resort.
Pool.
Nagkukulitan ang magkakaibigan habang nag si swimming.
Ackie: Berting di kita kaya ha? Nag si swimming nakasalamin? Ang labo mo ha?
Berting: Ang labo talaga pag di ko to suot.
Ackie: Bakit kasi di ka mag pa laser ng mata. Me ganun na ngayon friend. Mayaman naman kayo!
Berting: Hindi ah.
Dina: Tigilan mo na nga si Berting. Naku kaya ka ginaganyan ni BFF kasi me gusto sya sayo!
Matatawa si Ackie.
Ackie: Hahaha! Sobra ka BFF! Pero if ever, Berting is not bad to be a boyfriend... Teka pala Berting, wala ka bang girlfriend?
Berting: Wala pa.
Dina: Pero syempre meron ka namang crush ganun, nagugustuhan?
Hindi makakasagot si Berting. Biglang magpapaalam si Ackie.
Ackie: Bago mo sagutin yan, aahon na muna ako at ayokong maging dilaw ang kulay ng tubig ng pool na ito. Ihing ihi na ako. Excuse me.
Aahon si Ackie at maiiwan si Dina at Berting.
Dina: Bess, wala ka pa nga bang nagugustuhan?
Titingin si Berting kay Dina.
Berting: Meron. Tao din naman ako bessy.
Dina: Kilala ko?
Ngingiti si Berting.
Berting: Oo.
Dina: Taga satin?
Berting: Mmm mmm.
Tatawa si Dina.
Dina: Haha! Sino?
Sasagutin na ni Berting si Dina ng biglang sumigaw si Ackie...
Ackie: Guess who's here?
Sa likod ni Ackie ay nakatayo si Gregg na me dalang bulaklak at regalo.

BINABASA MO ANG
DINA B? #JaDineFiction
RomanceBasahin ang istorya nina Dina at Berting... DINA B? A Love Written In A Song. DISCLAIMER Ang kwentong inyong mababasa ay likha lamang ng aking malikot na pag-iisip. Ang pagkakahawig sa pangalan, tao, lugar at pangyayari ay siguradong nagkataon po la...