Graduation Day.
Lahat ng estudyante ay nasa auditorium na. Makikitang andun si Ackie, Berting at Dina kasama pa ng ibang pang ga graduate. Sa di kalayuan nandun din si Gregg. Sa bandang likod naman nakaupo ang kani-kanilang mga magulang.
Tulad ng typical na graduation ceremony, nagsimula ito sa pag awit ng pambansang awit, panalangin at pananalumpati ng ilang mga mahahalagang panauhin, guro, principal at ang napakagandang speech ng valedictorian ng taong yun.
Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ng lahat dahil eto na ang hudyat ng pagwawakas ng kanilang highschool life.
Tuwang tuwa ang mga magulang nina Ackie, Berting at Dina pag panhik nila sa entablado para tanggapin ang diploma.
Lahat sila'y handa na sa darating na bagong hamon sa kanilang buhay at ito'y magsisimula na naman pagtungtong nila ng kolehiyo.
Excited naman si Berting sa Grad Ball mamaya dahil buong buo na ang loob nyang sabihin kay Dina ang kanyang pagtangi para sa dalaga.
BINABASA MO ANG
DINA B? #JaDineFiction
RomanceBasahin ang istorya nina Dina at Berting... DINA B? A Love Written In A Song. DISCLAIMER Ang kwentong inyong mababasa ay likha lamang ng aking malikot na pag-iisip. Ang pagkakahawig sa pangalan, tao, lugar at pangyayari ay siguradong nagkataon po la...