Bahay ni Dina.
Dining area.
Enjoy na kumakain ang dalawang matalik na magkaibigan.
Ackie: Ang sarap palang magluto ni yaya ng sinigang!
Dina: Sya lang ang may ganyang sinigang! Malapot na mapula!
Ackie: At super lambot ang baboy ah!
Dina: Tama! O eto pa kanin BFF, kumain ka ng marami.
Ackie: Sayang umuwi agad si Berting.
Biglang naalala ni Dina ng kinumpronta nya si Berting sa labas ng sinehan.
Ackie: Ok ka lang BFF?
Dina: Naisip ko lang si Berting. Kala ko kasi gumawa lang sya ng eksena kanina...
Ackie: Di ko magets?
Dina: Kanina kasi BFF, nung sumigaw si Berting, saktong hahalikan ako ni Gregg!
Ackie: Ha? BFF? First date-First base agad?
Dina: Masama ba yun?
Ackie: Hindi ba parang mabilis ata masyado si Gregg BFF? O hindi mo napapansin dahil mabilis ka rin? Kasi kung kotse kayo, maiintindihan ko, kaso iba to, relasyon to BFF! Ang pinagkapareho lang ng kotse at relasyon parehong nag be break!
Dina: Sabagay!
Ackie: Mag menor ka naman BFF! Di kita nakilalang malandi promise!
Dina: Malandi agad!
Ackie: O sige maharot!
Dina: Sige, promise BFF next time, i'll be more careful!
Ackie: Very good!
Dina: Pero sa isang kondisyon...
Ackie: Ano yun?
Dina: Tirhan mo naman ako ng ulam. Grabe ka BFF para kang lalaking kumain!
Ackie: Sa stress to kanina!
Sumandok si Dina ng ulam at inenjoy ang dinner kasama si Ackie.
BINABASA MO ANG
DINA B? #JaDineFiction
RomanceBasahin ang istorya nina Dina at Berting... DINA B? A Love Written In A Song. DISCLAIMER Ang kwentong inyong mababasa ay likha lamang ng aking malikot na pag-iisip. Ang pagkakahawig sa pangalan, tao, lugar at pangyayari ay siguradong nagkataon po la...