Sta Rosa.
Bahay nina Dina.
Umiiyak ang Mama ni Dina. Naninigarilyo ang Kuya nya sa tapat ng pinto. Panay ang himas nya sa likod ng ina.
Dina: Sabi ko na nga ba me problema.
Patuloy parin ang pag iyak ni Mama Sally.
Mama Sally: Walang awa yang Papa mo! Inubos sa sugal yung pera tapos ang lakas pa ng loob mambabae! Kaya kayong dalawa, mag-aral kayong mabuti! Wala na tayong aasahan! Buti na lang me sarili akong savings kung hindi pati ito tinaya nya!
Awang awa si Dina sa kanyang Mama.
Dina: Opo Mama. Bukas graduation na namin. Wag kayong mag-alala, tutulong kami ni Kuya Dave.
Kuya Dave: Ma, tama na yan. Nangyari na ang nangyari! Ang mahalaga natauhan na kayo. Ilang beses na kitang inaya nuon na iwanan na natin si Papa pero ayan kayo at patuloy na naniniwalang magbabago pa sya.
Medyo kumalma na si Mama Sally.
Mama Sally: Hindi naman ganyan dati ang Papa mo? Ewan ko ba parang sa isang iglap sinaniban ng demonyo!
Uupo si Dina sa harap ng kanyang Mama.
Dina: Ang mahalaga magkakasama tayo. Kaya natin to. Walang sukuan, laban lang.
Niyakap ni Mama Sally ang kanyang anak.
Mama Sally: Buti na lang at swerte ako sa mga anak.
Tatawagin ni Dina si Yaya.
Dina: Ya, tulungan mo akong maghanda ng breakfast. Mama, mag shower ka na muna para mahimasmasan ka. Kuya, panhik mo na yung mga gamit nyo sa kabilang kwarto.
Kahit na malungkot, masaya si Dina na magkakasama na naman sila ulit ng Kuya Dave at Mama Sally nya.
BINABASA MO ANG
DINA B? #JaDineFiction
RomansaBasahin ang istorya nina Dina at Berting... DINA B? A Love Written In A Song. DISCLAIMER Ang kwentong inyong mababasa ay likha lamang ng aking malikot na pag-iisip. Ang pagkakahawig sa pangalan, tao, lugar at pangyayari ay siguradong nagkataon po la...