Alabang.
Hotel room.
Umaga.
Didilat si Berting. Medyo hindi maganda ang pakiramdam nya.
Makikita ni Mommy Iris na gising na ang anak.
Mommy Iris: Kape?
Berting: Morning Mommy! I'm sorry kung napuyat ka ha?
Kukunin ni Mommy Iris ang cup and saucer, lalagyan ito ng kape at cream at saka ibubuhos ang mainit na tubig sa loob.
Mommy Iris: Anong feeling ng lasing?
Ngingiti si Berting.
Berting: Grabe! I will not do it again! I promise!
Lalapit si Mommy Iris at uupo sa kama hawak ang kape.
Uupo din si Berting at kukunin ang kape sa ina. Hihipan at sisipsip ng bahagya.
Mommy Iris: Sabi ng ka bandmate mo, lahat daw ng tagay iniinom mo at nung nag pass out ka na, wala kang tigil sa katatawag kay Dina.
Mapapatigil si Berting sa paghigop...
Berting: True?
Mommy Iris: Yes.
Eehem si Berting...
Berting: I saw Gregg kissing DIna...
Nagulat si Mommy Iris.
Mommy Iris: Sa prom?
Berting: Pero he hid her sa di makikita ng mga teachers at sakto dun sila nagpunta sa may waiting area ng banda. Pagbaba ko ng stage nakita ko sila.
Mommy Iris: Kaya ka naman pala affected.
Bubuntong hininga si Berting. Makikita ni Mommy Iris na nangingilid ng kaunti ang luha sa mata ng anak.
Berting: Ang sakit Mommy...
Kukunin ni Mommy Iris ang kape sa anak at ipapatong ito sa side table ng kama.
Mommy Iris: Alam mo ba anak kung bakit sya ganyang kasakit?
Titingin si Berting kay Mommy Iris.
Mommy Iris: Kasi ikaw lang ang nakakaalam ng nararamdaman mo. Sometimes we fear the things we don't know. Ayaw na nating sumubok kasi natatakot tayo na baka hindi tanggapin. Natatakot tayo na ma reject.
Nakikinig ng mabuti si Berting.
Mommy Iris: Anak, ang pag-ibig ay ibinibigay, hindi itinatago. Para syang post sa Facebook na dapat shini share at pag na share mo dun mo lang malalaman kung merong mag la like nito.
Ngingiti si Berting.
Mommy Iris: Tell her anak! There is nothing wrong if you fall in love with your bestfriend. Para wala kang what if's, wala kang regrets.
Yayakapin ni Berting si Mommy Iris.
Berting: I love you Mommy!
Mommy Iris: I love you more anak!
BINABASA MO ANG
DINA B? #JaDineFiction
RomanceBasahin ang istorya nina Dina at Berting... DINA B? A Love Written In A Song. DISCLAIMER Ang kwentong inyong mababasa ay likha lamang ng aking malikot na pag-iisip. Ang pagkakahawig sa pangalan, tao, lugar at pangyayari ay siguradong nagkataon po la...