Chapter 1

27.6K 954 114
                                    

Aria

"Tsk."

"Hoy, Badtrip ka na naman. " Natatawang bati ni Shia sakin habang nag aayos sa sariling station.

Pabalabag na ibinaba ko ang suot kong bag sa gilid ng mesa at saka umupo.

"Aga aga ako na naman nakita." Inis na reklamo ko saka may kalakasang binuksan ang table side drawer at inilabas ang heeled shoes.

Pasimpleng tumingin si Shia habang sige pa din sa pagme.make up.

"Bakit kasi naka-skirt ka na naman?"

"Kelan ba kasi pinagbawal magskirt sa workplace?" Inis na reklamo ko. "At saka nakaskirt ka din naman a. Bakit di ka nila sinisita?"

Natatawang itinigil nya ang ginagawa at binato ako ng nadampot na ballpen sa ibabaw ng table nya. Mabilis ko naman nailagan.

Hah! Magaling ako sa pag-iwas.

"Boss mo ko, bwisit na batang 'to." Natatawang ipinagpatuloy na nito ulit ang ginagawa. "Saka tigil tigilan mo nga yang kakareklamo mo. Paano naman di ka sisitahin? Above the knee na naman yang skirt mo. At saka naman talaga Aria, bawas bawasan mo yang pakikipag kausap mo sakin ng ganyan ka-normal. Sinabi ko naman sayo okay lang sakin yan kung tayo lang. Alam mo namang andaming mahadera. "

Napasimangot akong lalo. Oo nga pala, Accounting and Finance director pa nga din pala tong si Shia while I am just one of her subordinates. Though, the next rank, still we should treat each other professionally at work.

"Hoy, galit ka ba?" She asked after awhile. Busy na kasi akong magtrabaho.

Yeah, apparently bukod sa ugali kong minsan di matimpla at sa pananamit ko wala na naman siguro silang masisita. I always come to office atleast an hour early and going home still the last. I love my job. Maybe because this is the only thing that makes me busy and happy.

"Aria, Kain muna tayo sa pantry. Maaga pa naman. " Yaya ni Shia at mabilis na kong nilapitan.

"Laters."

"Tara na, dali!"

"Oo, wait lang. May hinahabol ako."

Ilang saglit lang ay pinatay nya na yung monitor ng desktop ko.

"What the fuck!" Medyo may kalakasan na napamura ako. I was so engrossed in doing my work when she did that.

Tumatawang hinatak nya naman ako patayo.

"For sure may memo ka na naman mamaya."

Iritableng tiningnan ko sya ng masama. Oo nga at boss ko sya, pero heck naman! I'm doing my job diligently. How can I act professionally when my boss is like that? Isa pa, I'm only 20 and she's 32. Atleast respeto man lang sa matanda este bata pala.

"Pag nagkamemo ako, harangin mo. " Inis na sabi ko at saka tumayo. "Kaya ako nagkakamemo e. Hindi nga ako late. Kung ano ano naman nairereport sa kanila."

Ngumiti lang si Shia at nauna ng maglakad.

Pigil ko naman ang matawa habang tahimik lang ang buong department namin. Halos wala may mangilan ngilan na din na tao. Pero dahil nga maaga lang talaga ako pumapasok, syempre di ako kagaya nila na ngayon pa lang nag-aayos. Well, kaming dalawa ni Shia. Siguro the reason kung bakit ganito ako ka workaholic kasi she is as well.

Siguro accounting team is always the busiest department in all companies. Samin kasi parang bawal tumawa kasi sobrang dami lagi ng trabaho.

I glance at my wrist watch, It's just quarter to eight. Kaya naman may ngilan ngilan na din na empleyado ang nasa kani kanilang cubicle.

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon