Chapter 33

12.7K 749 404
                                    

The silence isn't so bad
'Til I look at my hands and feel sad
'Cause the spaces between my fingers
Are right where yours fit perfectly.

**

Corinne

"So, who will be my team?" Masayang sabi ni Alliston. She'll be a team lead. Kalaban nito si Grant na team lead din.

"I'll choose first." Mabilis na sabi ni Grant.

Medyo natakot naman ako nang makita kong intense yung mga mata nito. Sa ilang beses kong nakita at nakasama si Grant, ngayon ko lang sya nakita na ganito kaseryoso. Noon kasing nagalit sya sakin dahil kinampihan ko si Sam instead na si Aria, hindi ganito yung ekspresyon nya. Noon alam ko na galit sya. Pero ngayon, she looks so calm and terrifying.

"Sure." Mabilis na pagsang-ayon ni Alliston.

"I'll pick Aria."

"Oh, spiker?" Kaswal na sabi ni Alliston pagkatapos tumingin sa amin na natitira at napatigil sakin. "I'll go with Corinne, then. She's ours."

"Hey, obvious na samin dapat si Corinne!" Angal ni Aria na nakatingin sakin.

Alliston just winked at Aria. "Nah, she's your downfall. She'll be in my team."

Bago pa makareact ulit si Aria ay nahawakan na ito ni Grant as if saying, I'm just a pawn. Just a pawn and not a fuckin' knight.

"I'll get Hariette."

"Forceful smash ba ang team nyo, Grant? Lahat ng spiker yata iipunin mo." Hinatak ako ni Alliston bago nito kasunod na hinatak si Sam.

"Why Sam? Ako dapat muna." Pabirong sabi ni Van.

Alliston match it with another colorful banter. "Sam's sweet and soft. She'll hand my team the gentlest toss that will turn into a smashing slash on the other side of the net. Just watch out."

Habang nagpipilian ng team ay lumapit sakin si Sam at sumandal na naman sa likod ko.

"Coffee, relax ka lang. Ang stiff ng katawan mo. You're no longer a pillow. Para ka ng poste."

"Don't call me, Coffee. Baliw 'to." Medyo umayos ako ng tayo kaya naman napilitan si Sam na ipulupot sa balikat ko yung mga kamay nya para di ako makagalaw.

"You're my coffee." Mahinang bulong nya. Feeling ko ako lang nakakarinig. "Stop being stiff. Pag ako napikon sayo hahalikan kita sa leeg para may rason ka na maging ganyan ka.stiff"

"Gaga ka talaga." Napilitan naman akong um-steady na lang ng tayo habang hinahanap ng mata ko si Aria na katulong na sila Leigh at Hariette na magset up ng net.

"Missing her that much?"

Napalingon ako sa likod ko. Napansin ko na nakatingin sya sa direksyon na tinitingnan ko.

"Yeah. Ang ganda nya no? Pakiramdam ko hindi kumpleto ang araw ko pag wala sya."

Natawa lang si Sam saka sumandal ulit sa likod ko.

"Bakit mo pala ako tinatawag na Coffee, hindi naman ako ganoon ka itim a?" napatingin pa ko sa braso ko. Hindi talaga ako maitim. Masyado nga din akong maputi para maging mestisa.

Sam didn't budge. Mukhang nakatulog na ng tuluyan habang nakasandal sakin.

"Hoy, Samantha!"

"Sheesh. Huwag ka malikot." Awat nito. Mas matangkad kasi sakin ito. I think she's 5'10 tapos 5'7 lang ako. Tapos nagagawa nyang isandal yung ulo nya sa likod ko.

"Sagutin mo kasi ako."

"Nanliligaw ka ba?"

"Baliw." Natatawang sabi ko.

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon