Chapter 12

13.9K 786 213
                                    

Corinne

Ilang araw na kaming ganito ni Aria. Hindi nag-uusap, nag-iiwasan. Minsan sinasadya ko na nga magpahuli ng pasok para di kami magkasabay sa opisina. Saktong pagpatak ng alas singko ay uuwi na din ako. Ni sulyap iniiwasan kong mapagawi sa kanya.

She's been having coughs and colds dahil sa pagbasa ko ng damit nya nung nakaraan. Tatlong araw na yata syang inuubo although ayun, sige pa din ang pasok ng maaga at uwi ng late. Sya na talaga ang workaholic.

"Corinne.." Tawag sya sakin. Still, she's my boss. We're acting professional at work.

I stood up at lumapit sa kanya. "Get this done before you go home. Have Astrid check it before passing this back to me. "

Inangat nya lang sakin yung folder na hindi man lang tumitingin sa direksyon ko. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi maawa sa kanya. Medyo teary eyes na nga sya. For sure, masama na pakiramdam nito. Too bad, boss Shia already took her leave kasi malapit na nga itong ikasal. Kaya halos lahat na kay Aria na. Hindi na tuloy sya makapagleave para makapagpahinga.

"Kumain ka na?" Hindi ko napigilang itanong. Mula kasi kaninang alas otso na dumating ako sa opisina ay hindi pa sya tumatayo. Alas dos na ng hapon.

"It's none of your business. Mind your job. " Plain na pagkakasabi nya na tila ba normal na normal niya iyon. Distant. Cold. Void of emotions.

Gusto ko na naman mainis sa kanya pero ng maalalang hindi na din nga pala kami magkaibigan ay pinigilan ko na ang sumagot pa.

Kinuha ko lang sa kanya yung folder bago bumalik sa station ko.

Mga bandang alas tres ng tumayo siya sa kinauupuan nya. Halatang nahihilo na nga sya siguro dahil masama talaga ang pakiramdam nya, nalipasan na ng gutom, at sa sobrang pagod na rin.

I heard her low grunt bago muling napaupo. Namimiss ko na sya kahit araw araw ko naman sya nakikita. Pero sa tuwing naiisip ko yung pagtanggi nya sakin, mas lalong natatakot akong lapitan sya. Baka lalo lang akong malubog sa kanya. For sure, tatakbo na naman sya palayo.

"Hey, busy ka?" Dinig ko pang sabi nya. Mukhang may kausap. Palihim akong tumingin sa gawi niya gamit yung salamin sa harap ko.

"No. It's just..Ahmm.."Tila nag-aalangan pa siya, "Just bring me coffee and something to eat. "

Napaangat naman ang kilay ko. Sino naman kayang kausap nya?

Di ko tuloy namalayan na napalakas ang pagbagsak ko ng mga folder sa table ko.

Napatingin tuloy sakin lahat kaya nahihiyang nagpeace sign na lang ako.

Sheesh! Corinne control. Control.

"Okay, I'll wait. Thanks. I owe you. "

Tiningnan ko ulit ang repleksyon nya sa salamin. Apparently she doesn't look well.

"Ms. Aria, gusto nyo icancel ko muna yung meeting natin sa Marketing team?" Narinig kong tanong ni Astrid. Mukhang napansin na din nito na hindi okay si boss.

Umiling lang si Aria. "Thanks. But we need to discuss the budget as soon as possible. We can't make delays. May deadline tayo sa management. "

"Pero mukhang masama na kasi yung pakiramdam nyo. "

Ngumiti si Aria. "It's okay. I can manage. "

Hays! Namiss ko yung ngiti niya.

Pakiramdam ko maiiyak na ko sa sobrang pagkamiss ko sa kanya.

Ilang sandali lang ay dumating na yung Marketing Team. Sa conference room ng Accounting kasi nirequest ni Astrid na ihold na lang yung meeting para di na mahirapan pa si Aria na maglakad at sumakay pa ng elevator.

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon