Chapter 31

13K 661 114
                                    

Corinne

"Oy, 'day!"

Napalingon naman ako kay Pip. Ang weird nya ngayon sa totoo lang. Maging si Sandy ay ganoon din.

"Bakit ba? Kanina ka pa."

"Okay lang ba talaga na sumama kami. Hindi ba nakakahiya?"

I almost rolled my eyes at her. Nung nakaraan lang ay silang dalawa nitong si Sandy ang nangungulit na ipakilala sila nito sa mga super crush daw nila. Tapos ngayon itatanong pa nito sa akin kung okay lang ba talaga sila sumama.

" Nakakahiya." Sabi ko pero mabilis ko din naman binawi. Baka mawalan ng confidence yung dalawa. "Pero okay lang. Nandun naman si Aria. Saka mababait naman ang mga kaibigan nya."

Tila naman nasindihan na yung dalawang nauupos kanina. Ngayon ay masyado na silang hype ulit.

"Sabagay, mukha naman silang mababait talaga sa socmed."

Napakunot naman ang noo ko.

"Anong socmed?"

"Social media. Anong era ka ba pinanganak, Girlash?" Maarteng sabi ni Sandy na prenteng nakaupo sa tabi ng driver ng sinasakyan naming taxi.

Papunta kami sa address na pinasa ni Aria. Wala daw kasi itong sasakyan kaya makikisabay lang daw ito kay Grant. Inalok naman kami na susunduin na lang din pero kinuha ko na lang yung address. Nakakahiya naman na abalahin pa namin si Grant.

"Ahh.."

"Nga pala," Nilingon ako ni Sandy. "Ano nga ulit yung apelyido ni Aria? Hanapin ko sya sa facebook tapos i aadd ko para may frenny na akong mayaman."

Hala, Oo nga. Ano ngang apelyido ni Aria? Mabilis kong tiningnan yung cellphone ko.

"Aria Calvry." Sabi ko matapos icheck yung company email nya. On my mind, palihim kong sinisita yung sarilo ko. Ang weird na hindi ko kabisado yung full name nya di ba?

Sandali namang nagtipa sa cellphone nito si Sandy.

"Weird, wala bang facebook yang dyowa mo?"

"Uhm, not sure."

"Anong not sure? Hindi mo man lang tinanong?" Napapantastikuhang tanong din sa akin ni Pip.

Hindi ko alam kung paano ko sasagutin iyon. Unang una, hindi naman kasi ako active sa kahit anong social media flatform. Madami akong ginagawa para mag aksaya ng oras sa ganoon. Isa pa, alam kong ganoon din si Aria. Hindi ko sya kailanman napapansin na nag. istroll sa cellphone nya. Madalas ay tulog o di kaya ay nagsosoundtrip lang ito pag walang ginagawa.

Saka, why would we need that for affirmation? Lagi naman kami magkasama sa office pag weekdays at magkasama naman sa lakad pag weekends. Seriously, Di ko nakikita na need ko iyon alamin pa. But now that my friends mentioned it, napaisip din ako.

They won't like you, Corinne.

Tila piniga naman yung puso ko nang maalala ko iyong sinagot sakin ni Aria nung tinanong ko sya tungkol sa pamilya nya.

Siguro if I did a little background check about her, I would have known anything about her family. Siguro, naihanda ko din yung sarili ko that her family won't even like me. E di sana hindi ako mukhang estupida na nagtanong pa kay Aria tungkol sa pamilya nito.

"Mam, dito na po tayo."

Natigilan naman kaming tatlo nang huminto kami sa harap ng malaking gate na may mataas na bakod.

"Hala, dito ba talaga?"

Natatarantang napatingin kaming tatlo sa cellphone ko habang tinitingnan yung address. Tama naman.

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon