Chapter 41

14K 819 706
                                    

Corinne

"Grabe, Ate Corinne!" Halos patili na sabi ni Terry nang makita namin yung gown na pinatahi ni Sam para sa akin. "Ang ganda."

It's a pastel pink A-line off-shoulder cocktail dress na knee length yung haba. Yung likod niyon ay zipper-up mula waist hanggang pataas. Tapos para mahighlights yung figure ko ay hapit iyon sa may bandang baywang pero maluwag na sa pababa.

"Ito ba daw talaga yung suuotin ko?" Tanong ko sa stylist na pinadala ni Sam dito sa unit. Sya kasi ay kahapon pa umuwi sa kanila. Samantalang si Terry naman ay dito na nakitulog sa unit ni Sam pagkauwi galing sa part-time job nito kaya hindi din nagpang abot yung dalawa.

"Yes, Miss." Polite na sagot ng stylist at saka pinakita yung katerno niyong silver heeled-strap shoes na hanggang two inches yata ang taas.

I'm 5'7, kami ni Aria actually. Tapos heeled shoes pa yung susuotin ko. Baka magmukha na kong higante nyan pag sinuot ko yun. Pero on a second thought, Sam is 5'10. Grant is 5'11. Sakto lang siguro yan kahit magflats pa yung mga yun.

"Ayy, bongga ng frenny mo ate Corinne ha. May pabahay na, may pastylist pa. Pati damit at sapatos supplied. Saka service natin papunta sa kanila."

"Yeah." Walang nagawang pagsang ayon ko na lang.

"Sure kang frenny mo lang yan?"

Tumango naman ako.

"She's Aria's friend."

"Sabagay kung friend ni Aria yan, tutulungan ka talaga nya habang wala dito yung dyowa mo."

"Sam is really nice. Nature nya na yata talaga yung pagiging mapagbigay. Namana nya siguro sa mga magulang nya."

"Wait, nakita ko na ba yang Sam na yan? Di ba madaming friends ni Aria yung nagpunta nun sa shop?"

Oo nga no? Nandun ba si Sam noon?

"Parang wala yata sya doon."

"Ahh. Sana mameet ko sya mamaya."

"Sige. Ipapakilala kita. Sabi nya gusto nya naman daw mameet ka."

Pareho kaming napalingon sa stylist nang may ilabas itong damit na isa pa.

"This will be Miss Terry's dress." Ipinakita naman ng stylist yung color red na dress na kapareho ng haba ng suot ko. Pero hapit iyon saka satin. Bakit parang mas elegante iyong tingnan kumpara sa damit ko?

"Hala, ang ganda. Gustong gusto ko yan." Lumapit pa talaga doon si Terry at hinawakan yung damit.

Nakangiting inabot naman dito ng stylist yung damit.

"It's one of our latest designs. Ms. Callaghan specifically told us to give you a red dress."

"Bakit sakin red tapos kay Ate Corinne pastel pink?"

Nagkibit-balikat lang yung stylist na para bang sinasabi nito na napag utusan lang ito.

Medyo kinabahan tuloy ako ng konti.

"Alam mo ba kung anong color motiff ng okasyon?"

"It's black, red, and pink, Miss."

Tuluyan namang nawala yung kaba ko sa sinabi nito.

"Hindi kasi bagay sakin yung pink kaya red siguro yung binigay sakin, Ate Corinne." Segunda pa ni Terry. Sabagay. Hindi nga ganoon ka outstanding dito yung kulay ng pastel pink. Parang mas bagay sa personality nito yung red.

Umupo naman na kami pareho sa stool ng sabihan na kami ng hairdresser na aayusan na nito kami. It's already 4pm. By 6pm ang oras ng okasyon. Kabilin-bilinan ni Sam kahapon na kung gusto ko maging lowkey, dapat ay agahan ko. Otherwise, mag gagrand entrance ako pag nalate ako.

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon