Chapter 22

13.6K 680 274
                                    

Corrine

I watched at the whole group. Para silang pira-piraso ng isang buong mystery game. Each one of them seems like they are a part of Aria's broken soul.

Ano nga bang nangyari nung gabing iyon na nahuli ni Grant si Sammie at Kiel? I wonder too. Thinking back at Leigh's story, hindi iyon ginusto ni Sam. Lasing lang daw ito at sinamantala lang iyon ng ex-boyfriend ni Aria. But it seems like Grant knew something about it. Or was it just Sammie trying to put the blame to Grant? May mali sa statement ng version ni Leigh. Siguradong may kulang. Dahil sa tingin ko si Sammie ay may gusto kay Aria. And she did admit it. At alam din iyon ni Grant kasi itinanong pa nito iyon sa dalaga kanina.

Napabuntong-hininga na lang ako ng mapansin kong bahagyang nilalamig na si Aria sa tabi ko. Marahil dahil basa pa din siya at hindi pa naman siya nakakapagbanlaw mula sa paliligo sa dagat.

"Hey, gusto mo na muna magshower?"

Tiningnan ako ng pares ng mga matang iyon. At tulad ng dati, she seemed cold and distant. Just like she always was.

"Yeah. You can stay here for the meantime. I'll just take a quick bath."

Bago pa ako makasagot ay mabilis ng tumakbo si Aria patungo sa cottage namin. Para bang tinatakbuhan niya ang kung anumang bagay na ayaw niyang malaman at marinig mula sa mga kaibigan.

Everyone fell into silence as they all watched Grant and Sam exchange cold stares. Si Grant and unang nagbawi ng tingin.

"You two should have a better explanation on this." Kalmanteng sabi ni Van na nagsalin ng alak sa baso at uminom. "This is not just about your personal engagements over the matter guys, this also includes us. Kung anuman ang nangyari noon, we can't just bury that and forget. We deserve to know the truth, right?"

"Wag ka ng makisali pa, Van." Inis na sagot dito ni Hariette.

"Oh, great!" Napapalatak si Van bago tinapunan ng nang iinsultong tingin ang babae. "Tell me the reason why, Hariette. May pinoprotektahan ka din ba? Oh wait, which reminds me, nasaan ka ba nung mangyari iyon?"

Kitang kita ko ng biglang mag iwas ng tingin si Hariette as if she's hiding something.

"I was at the cottage that time." Napalunok pa ito ng dalawang ulit.

"Weird." Sabat ni Jen. "I was in the cottage when I heard Grant shouting that time. Di kita nakita doon."

Tumawa ng mapakla si Van. "So, sino sino pa bang involve sa nangyari noon? Sino bang walang excuse? Bakit nga ba bigla ka na lang sumulpot ng oras na iyon ha? You even stopped us na bugbugin yung hayup na Kiel na yun."

"Hindi nga ba natin sya kasama nun sa paliligo?" Tanong ni Railey.

"It's only the two of us that time Rail." kumpirma ni Leigh. "Si Van naman umahon nun para kumuha ng drinks at silipin si Sammie kasi maagang natulog nga. Nilalamig na din kasi tayo noon."

Umiwas ng tingin si Hariette at napasulyap sa gawi ni Grant na tila walang anuman dito ang lahat.

"Bullshit kayo!" iritableng sabi ni Van bago sinamaan ng tingin si Grant at Hariette. "Come to think of it, magkasama kayong dalawa ni Grant di ba?"

"Stop this nonsense." Pag awat ni Grant dito. Inagaw nito ang bote ng alak kay Van at tinungga ang laman mula doon. "Wala ng mababago pa sa nangyari na. Hindi ba at napagkasunduan nating lahat na kalimutan na lang iyon? It's Sam's fault. Nothing else. End of discussion."

Mula sa bote ay ininom ni Grant ang natitirang alak.

"You're not intending to get yourself drunk right?" Inosenteng pahapyaw dito ni Sam. "You might have said all those nasty things."

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon