Chapter 2

19K 908 487
                                    

I am early as usual. Alas siete en punto nasa office na ko.

Ibinaba ko lang ang bag ko bago tumayo para tumungo sa pantry. I just need a black coffee. Kamamadali ko pumasok hindi na ko kumain sa bahay.

Napakunot noo naman ako ng wala pa halos isang minuto ng bumukas ang sliding door.

"Hey, Is this Accounting department right?"

I automatically raised my head ng marinig ko yun.

"Yes?"

Tila nabuhayan naman ang babae bago ngumiti ng malapad.

"Hi, I'm Corrine. The new staff. "

I glanced at my watch, sakto seven pa lang talaga ng umaga. At wala pang katao tao sa department namin kundi ako pa lang. Kasi nga alas otso pa talaga ang pasok.

"Alas otso pa ang pasok. You're too early. " I replied flatly.

Hindi ko gusto yung aura nya. Masyado syang bubbly. Yung ngiti nya na akala mo laging may nakakatawa. Yung balingkinitan at matangkad niyang pigura na sa tingin ko ay halos magkasingtangkad lang din kami kahit nakaflats lang din sya. Oh, and the hair color na kulay dark brown. Buti hindi sya nasita ng HR? She's wearing a usual office attire. Navy blue polo na tinupi hanggang kalahati ng braso at black skirt na an inch above the knee.

"Maaga ka din naman di ba?" She answered back which makes me raise my brow.

Palaban!

"Anong oras ba sinabi sayo na start ng pasok?" Mataray na tanong ko.

"Alas otso. "

"And it's just seven in the morning. So technically wala pang mag a.assist sayo. Maghintay ka dyan hanggang kaya mo. "

Tumango lang sya at saka umupo sa silya sa tapat ng upuan ko.

"Kaya pala mayabang, officer pala. " Bubulong bulong na sabi nya pero rinig ko naman.

Again, I just rolled my eyes. Wala akong planong mag.entertain. Ang usapan namin ni Shia, sya muna ang magtetrain ng bago sa team nya bago ibato sa akin. Technically, magkaiba kasi kami ng mga hawak na tao. Though, directly reporting ako sa kanya. I have five people in my own team doing the same thing as her team. Magkakaiba lang kami ng accounts at pinapasweldo.

Lahat kasi ng may kinalaman sa book keeping and auditing nasa kanya. While mostly na wala sa kategoryang iyon ay nasa team ko. Minsan pinag uusapan namin kung kanino mapupunta. But minsan pag kaya ko naman, inaako ko na. Sobrang dami din kasing trabaho sa team nila kaya nga late na din sya nakakauwi.

"San ka pupunta?" The new staff asked ng makitang tinungo ko ang sliding door palabas.

She was already beside me in an instant. Hindi na kataka taka kasi mahaba din ang legs nya dahil nga matangkad sya.

"Stay away from me. " Sobrang lapit nya kasi masyado.

Tumaas lang ang kilay nya na ginantihan ko din ng ganoon.

"Sama ako. " Sabi nya na hindi man lang nag-abalang lumayo.

"I'm going to grab my dose of coffee. You can just stay right at where you are awhile ago. " I dismissed in a not-so-polite tone.

"Gusto ko din ng kape. Pwede pabili?"

Awtomatikong napaangat ang kilay ko sa sinabi nyang iyon. Seryoso ba sya? Inutusan nya kong bumili ng kape nya? Just like, O wow!

I was about to say all those colorful words I have in mind ng maunahan nya ko.

"See? Hindi pwede di ba?" She smiled sweetly. "Kaya sasama na lang ako sayo. "

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon