Chapter 14

13.9K 784 215
                                    

Aria

I still feel the heavy hammering inside my head. Pero kelangan ko na pumasok. Di bale, Friday naman na. I just need to get done with the deadlines tapos uuwi na din ako agad.

I glance at my clock, 7:45 am.

"You sure, you'll be fine?" Nag-aalalang tanong ng Dad ko dahil hinatid nya na ko sa opisina. Ayaw nya kasing magcommute pa ko dahil nga masama pakiramdam ko.

"Yes, Dad. No worries. I'll be home once matapos ko lang yung mga deadline ko today. " I kissed his cheek.

Inabot nya yung thermal container na pinabaon sakin ni Mommy. May laman iyong lunch. Para daw hindi ko makalimutan kumain mamaya at inumin yung gamot na binigay sakin ni Sam.

Kinuha ko yun bago bumaba sa sasakyan. May mangilan-ngilan pang empleyado yung naghahabol ng oras para hindi malate.

Pagdating ko sa biometrics may pila pa. Halatang madami talagang laging running late. Kung hindi lang ganun kasama ang pakiramdam ko ay hindi ako papasok ng ganitong oras.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng makapagtime in na ko. 7:58am. Not late. Almost late.

Pagdating ko sa department namin ay agad na napakunot ang noo ko. Nakabukas kasi ang sliding door at may pila pa sa labas. Galing sa iba't ibang team ng kung ano-anong department.

Bloody hell! Kahapon lang naman ako nawala ah? May nangyari na bang hindi maganda?

The line automatically dispersed ng makita ako. Yung iba bumati pa pero dahil wala ako sa mood ay hindi ko din pinansin.

"Excuse me. " Pigil ang inis na sabi ko dahil yung isang lalaki ay sumisilip pa sa loob ng department namin.

"Wait lang. Ako nauna pumila. " Sabi nito na hindi lumilingon. Napaangat naman ang kilay ko dahil talagang humarang pa sya sa daan. Nagtitimping pinigilan ko yung sarili ko na hatakin pasara yung sliding door para lumingon sya.

"C'mon, what do you need from my team? I'll take it from here. Just get your ugly face out of my way. " Iritableng sabi ko.

"Aba't ikaw ba si Cor-----" napipilan ang hinayupak ng lumingon ito at makita kung sino ang kausap nito.

"Ms. Aria?" Alanganin itong napangiwi.

Good!

Dahil sa totoo lang ay gusto ko ng burahin ang mukha nya.

"Corinne!" Gigil na sigaw mula sa kinatatayuan ko. Ano bang ginawa ng babaeng iyon?!

Ilang sandali lang ay dinig ko na ang papalapit na yabag na iyon. Yung mahinang tunog ng takong ng sapatos na dinig dahil tiles ang sahig.

"Yes, Ms. Aria?"

"Ano ban------"

Napipilan ako ng makita ang ayos ni Corinne. What the hell? How come she looks like a flirty wench right now? Lalong kumulo yung dugo ko ng tila tutulo pa ang laway ng mga nakapila dahil nga lumapit sa kanila si Corinne.

Shit! Shit! I cursed multiple times inside my head.

Corinne looks extra pretty today. No---she looks stunning. At naiirita ako na ang daming bumabakod sa kanya ngayon.

"Corinne, eto o. Papa-approve ko sana." Akmang iaabot nung isa yung hawak na folder nito ng mabilis ko iyong agawin.

The nerve! As if papayag akong mahawakan nya kahit dulo ng daliri ni Corinne.

"Get inside!" Malamig na utos ko sa kanya bago isa isang kinuha lahat ng may ipapatransact sa department namin.

"Per----"

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon