Chapter 13

13.8K 734 87
                                    

Corinne

"Hey!"

Jusko! Napalunok na naman ako ng ngitian ako si Samantha na tila ba aliw na aliw sya sakin. Sinuklian ko iyon ng ngiti. Yung ngiti na tinuro ni Grant. Mapang-akit pero may konting reservation.

Lumapit sakin si Sammie. Ako naman ay bahagyang napaatras. Hindi ko sinasadya. She's a tease! Pakiramdam ko ay baka may gawin syang di ko magugustuhan. Swear! Pag hinawakan nya ko o nilandi baka sapakin ko silang tatlo dahil sa ideya nilang ito.

At sa hindi mabilang na pagkakataon ay mabilis na napawi yung ngiti nito at napalitan ng nagbabantang tingin.

"Gosh! How many time should we do this?" Gigil na napapadyak na sa inis si Samantha.

"She's smitten. Wala na tayong pag-asa. " Hinang-hina na sabi ni Grant at napasubsob na lang ang mukha sa mesa. "Bakit ba masyado kang marupok?"

Naiinis na din na sinamaan ko sila ng tingin. Kasi naman sukat ba namang gamiting pain sakin si Samantha at tinetesting nila kung gaano ako kabilis maaakit. Baka daw isang ngiti lang sakin si Aria love ay bigla na din ako bumigay.

Hay nako! Yung kay Samantha pa nga lang na mababaw na crush ko e di ko na kinakaya. Paano pa kaya pag si Aria na?

"At least she can resist you, Grant. Remember?" Asar na saad ni Samantha. Dahil kanina nung si Grant ang lumapit sakin ay nagawa ko naman. Kaso nung si Sam na ay talagang natatakot ako. Yung ngiti kasi ni Sam ay masyadong nakakaakit. Parang hinahatak kang palapit.

"How can she even resist me and she cannot do the same to you?" Natatawang sabi pa ng babae.

Sumabat naman si Railey. "Because we all know how Sam can be a tease. Ilan na ba ang nabiktima ng ngiti niyan? "

Napalis yung ngiti ni Samantha at napalitan ng normal nitong ekspresyon. Yung tila inaantok na naman.

"Let's call it a day. I'm dead tired." Sabi nito na bahagya pang humikab. "We've done something about her looks and clothing naman na."

Kanina dinala ako ni Sam sa salon. Jusko! Ang sakit sakit na ng ulo ko sa dami ng ginawa nila sakin. Gustong-gusto ko na silang pag-umpugin ni Grant sa totoo lang. Kasi pagkatapos namin sa salon ay sa mga hilera naman kami ng clothe shops napunta. Kanina pa ako rinding-rindi sa panlalait ng tatlong ito sa itsura at ayos ko. Pinilit pa ko magsuot ng damit na hindi ko gusto.

Si Grant naman ay dampot lang ng dampot ng damit na sinasabi nyang babagay daw sa akin. Pagkatapos ay sa hilera ng mga shoes naman. Pati relo hindi pinalampas. Baon na baon ako sa utang pag nagkataon. Buti na lang si Grant lahat nagbayad.

Kahit yung paa ko ay sobrang sakit na. Sukat ba naman pasuotin pa ko ng lintek na sapatos na gabundok yata ang taas ng heels.
Feeling ko used and abused na ko.

"If I am Aria, I can get you within five minutes, decent time pa yan. What do you think, Railey?" Tanong ni Grant kay Railey na abala sa pagba-browse sa cellphone nito.

"Three minutes lang, Grant. " Sagot nito na hindi man lang nag-angat ng mukha. "Decent time na."

Halos mapaawang naman ang bibig ko. Grabe naman ang harsh nila sakin. Jusko! Inorasan pa ko kung gaano ako kabilis makuha. Mga baliw na 'to.

"Isama natin sa bar yang si Corinne para makita nya kung gaano ka swift at ka smooth si Aria. " Suhestiyon pa ni Railey.

"Baka magkagulo pa. Kaya wag na lang. " Si Grant. "Wala akong planong umawat. "

Umismid si Sam at umupo sa tabi ni Grant. "Should you not be more worried pag nakita kayo ni Aria na magkasama ni Corinne?"

"So paano na ?" Inis na tanong ko sa mga ito na akala mo wala ako sa eksena kung pag-usapan nila ako ng ganito.

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon