Chapter 11

14.3K 794 399
                                    

Aria

"Lunch?" Napaangat ang mukha ko mula sa ginagawa ko at napatingin kay Shia.

Nakatayo na sya sa harapan ko at may bitbit na lunch box.

"Alas dose na ba?" Takang sabi ko at napasulyap pa sa wall clock.

Napaismid lang siya bago in.off yung monitor ng PC ko. "Sa susunod papatupad ko na yung lights off during breaks para alam mo kung anong oras na. "

Hindi ko mapigilan ang mapatingin sa table ni Corinne. Wala na siya doon. Mukhang nauna na siyang bumaba para maglunch.

I took a deep breath.

"Hoy, ano yan? May problema ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Shia.

Mabilis lang akong umiling. Alangan naman na sabihin ko sa kanya na si Corinne ang problema ko di ba? Matapos kasi ng insidente nung sabado ay hindi na kami nagpapansinan.

Hindi ko tuloy alam kung ano ba yung problema naming dalawa. Wala namang nangyaring hindi maganda. I mean, hindi ko naman sya sinamantala nung lasing siya. Hinatid ko pa sya sa kanila pauwi kinaumagahan. We parted ways, okay. Tapos pagdating nung lunes, wala. Deadma. Until now.

"Tara, lunch out tayo?" Yaya ko sa kanya bago tumayo. Bitbit ko yung wallet ko just to make sure that I'll not run out of cash again just in case makasalubong ko si Corinne at agawin na naman ang kape ko.

Umiling lang si Shia bago itinaas ang dalang lunch box. "May baon ako e. Sa canteen ka na lang kumain. "

Pagdating namin sa Canteen, as usual, ang daming tao. Tahimik lang kaming pumila ni Shia habang tumitingin ng food.

"Wala bang ibang choice? Parang coffee lang yung gusto ko. "

Tiningnan nya din yung mga ulam. Halos pare-pareho lang ng kulay.

"So ano ngang number mo?"

Naagaw ng malakas na tawanan sa table di kalayuan yung atensyon ko. Corinne and the rest of my team is eating there together with the HR guys.

"Bigay ko yung eight digits, hulaan mo na lang yung last three digits ha?" Pabirong sabi ni Corinne kay Yancy.

"Ibigay mo na. Para naman may kausap kang gwapo gabi-gabi." Napaangat lang ang kilay ko ng akbayan pa ng lalaki si Corinne. At ang gaga mukhang gustong gusto naman dahil game pa din makipagbiruan dito.

"Aria, gusto mo adobo na lang ulam mo?"

Napalingon ako kay Shia bago ngumiti.

"I'll just go get coffee. Baka lumabas na lang ako. "

"Ha? E sinong kasama mo ?"

I immediately grab my phone and check for Jen's number. Right on cue, mabilis ko naman syang nakita na pababa pa lang. Kasama nya yung troupe nya as usual.

I waved at her and she waved back.

"Sa labas kami kakain." Jen motioned the door going out.

"Wait up." Nilampasan ko yung table nila Corinne. I don't care kahit pansin kong nakatingin na sya sakin. "Sammie called. Papunta daw si Cindy. Let's have lunch instead. "

Kumunot naman ang noo ni Jen. Pero mukhang nakuha nya naman agad yung sinabi ko dahil ngumiti lang sya.

"Sure! Basta ba libre mo e."

"Cindy would treat me out for lunch daw so libre nya. " I winked. "Wait a second. Confirm ko if asan na sya."

Dang! Akala mo ikaw lang?

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon