Chapter 25

13.2K 689 238
                                    

Aria

Pilit kong kinakalma ang sarili ko habang nagdadrive while thinking on where Corinne and I can talk.

Masama pa din ang loob ko. Sammie and her are good friends now? And the way she is smiling from ear to ear while talking to Sam, what was that? What the hell was that? Ano lang, friends lang na natutuwa kasi tumawag yung friend nya? I wasn't even like that when talking to Grant, to Sam or any of the troupe. So why was she smiling as if she won a lottery when Sammie called her to invite her for a drink?

Gosh, kalma Aria. Kalma!

I glance at Corinne from the side view mirror. She's fidgeting.

Kinakabahan ba sya na nahuli ko syang close na sila ni Sammie? Niyaya pa syang uminom. So ano yun? Date?

"Kelan pa kayo nagkapalitan ng number ni Sam?"

Tumaas ang kilay nya nung binanggit ko yung pangalan ni Sammie. Absent-mindedly, she answered.

"Matagal na. Noon pang nag iiwasan tayo. Even before the outing."

Mabilis akong nagkalkula sa utak. More than months. Parang hindi pa yata kami nun. Hindi ko napigilan na mapahawak ng mahigpit sa manibela.

"So you two are close already?"

Tumango naman si Corinne. Though parang hindi sigurado.

"Pag ba magkasama at sinamahan nya ko magpaayos ng hair, binili ng make up at kung ano ano, close na kami nun?"

What!?!

Sammie is one hell of a money saver. Kahit pa mayaman ito ay hindi ito magpapakagalante ng ganoon if hindi importante dito ang pagkakagastusan nito.

Mabilis kong naapakan ang preno ng sasakyan. My forehead almost hit the dashboard at the sudden stop. Ganun din si Corinne. Buti na lang naka seatbelt kami kundi ay pareho na kaming tumalsik.

"Ano ba Aria!" halos pasigaw na si Corinne. "Magpapakamatay na ba tayong dalawa?!"

Nag aalalang napalingon ako sa kanya. Bukod sa iritableng mukha niya at hawak na mga kape na bahagyang natapon, mukhang okay naman sya.

Inabot ko ang kape at inilagay iyon sa may gilid.

"Are you okay?" Medyo nahimasmasan ako ng kaunti sa muntikan na maging aksidente naming dalawa.

"Akala ko humiwalay na yung kaluluwa ko sa katawang lupa ko." Halos pabulong na sagot ni Corinne. Halatang natakot nga din siya.

"I'm sorry." Napahilamos ako ng palad sa mukha pagkuwan ay binalingan syang muli. "I didn't mean to be like that."

"Ayoko pa mamatay, Aria." Her voice is shaking. I was swept by the sudden change in her mood. Kanina ay nasigawan nya pa ko ng bigla akong magpreno pero ngayon ay para syang batang takot na takot. "Ayoko pa mamatay."

I swiftly pulled her into a hug.

"Hush.. I'm sorry. I really am. It's just that. Urgh!" Mas minabuti ko na lang ang tumahimik at yakapin sya.

Kung hindi nga lang sa mga sunod sunod na busina ng mga sasakyan sa likuran namin ay hindi pa ko matitinag.

Umayos ako ng upo.

"I'll stop at the nearest place. Is that okay with you?" Muli ko syang sinulyapan. She's still slightly shaking.

"No. I want to go home."

"Corrine.."

"I'm okay now, Aria. I was just shocked. Yung feeling na akala mo mamamatay ka ng wala ka man lang kaplano-plano sa maiiwan mo. Nakakatakot."

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon