Chapter 27

13.3K 726 265
                                    

Aria

"Hey, Aria. Are you with me?"

Napalingon naman ako sa nagsalita.

Alliston Parker.

She's one of our childhood friends. When we were kids sobrang close namin dahil katabi lang namin yung bahay nila at sobrang iyakin kasi nito noon kaya lagi binubully nila Grant at Van.

Kaya naman, nakakalungkot nang magmigrate na sa Australia ang pamilya nito. Bihira na din itong umuwi sa Pilipinas dahil sunod sunod ang training at pinaghahandaan nitong World Cup competition.

She just texted me an hour ago, inviting me to have lunch. Malapit lang naman kasi sa office kaya pumayag na ako. Isa pa, naiinis pa din ako kay Corinne.

"Yep." Mabilis akong napatango. "Ano nga ulit yung sinasabi mo?"

Napailing na lang ito bagamat ay nakangiti naman.

"You're outspacing." She pointed out.

Mabilis naman akong umiling dito. Tiyak na pagtritripan ako nito pag nalaman kung bakit hindi ako nakikinig sa kanya.

Iniisip ko pa din kasi si Corinne. Gusto ko lang naman makasama sya bukas dahil monthsary namin. Pero busy nga daw sya.

Hays.

"San ka nga pala nag stay? Gaano ka katagal dito sa Pilipinas?" Naalala kong itanong. Dati kasi ay kay Railey ito nagstay. Si Railey lang kasi ang pinakaconvenient samin dahil ito lang ang nakahiwalay sa magulang at may sariling condo.

Okay din sana kina Grant dahil lagi namang out of the country ang parents nito kaso lang ay naiinis naman ito pag bigla na lang pumapasok sa kwarto nito si Grant at nakikiligo. Minsan pa ay magigising na lang daw itong katabi na si Grant na wala man lang suot na damit at nakitulog na sa tabi nito.

"I'm staying with Sammie."

Napaupo naman ako ng maayos when I heard Sam's name.

"Bakit kina Sam?"

Nagkibit balikat lang ito.

"Nagkausap kasi kami thru skype last week about Hariette and Railey's breakups involving her." She mentioned about the recent incident.

"Tapos nabanggit ko nga na uuwi ako at magstay here for one month. She offered her home. Tutal naman daw her parents are always at the hospitals and seminars abroad. You know how busy doctors are."

Nice excuse. Kahit si Sam din kasi ay ganoon. Pamilya sila ng mga doctor, med tech, and nurses. Her grandparents used to work at WHO laboratory.

"Ikaw? Ano pinagkakabalahan mo?"

Ano nga bang pinagkakabalahan ko? I got no concrete plans. Di gaya nila na alam na nila kung anong gusto nila sa buhay nila.

"I'm working as an Accounting officer."

Bahagyang nagulat doon si Alliston.

"You don't have plans to take over with your family business?"

I shook my head. Being involved in our family business is in thelast of my list. Gusto ko din naman ng bagay na pwede kong iclaim na akin.

"Hmm, interesting." She frets. "Mukhang nawalan ka yata ng plano?"

Natawa naman ako. Sa amin kasing magkakaibigan, I'm the one who always have a fall back.

"Have you felt it, Alliston?"

Inubos nya muna yung kinakain nya bago sumagot.

"Felt what?"

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon