Chapter 18

15.2K 725 439
                                    

Corinne

Masigla akong kumilos. It's been weeks since Aria and I become official. At least sa mga friends pa lang namin. Sa office kasi bawal. Ayaw nya. Magagalit daw si Madam Shia dahil mahigpit na inaayawan nito na magkaroon ng affair inside her department. Saka ayaw din nya na matsismis kaming dalawa. Hindi ko na lang din pinilit.

First official out of town namin ngayon ni Aria kasama yung mga friends nya. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi ma-excite. Ngayon na lang kasi ulit kami makakapagsolo. Nung mga nakaraang linggo kasi ay sobrang busy nya sa school kaya halos di din kami nagkakausap pag weekends. Pag weekdays naman napakasungit nya pag nasa office kami. May times pa na hindi talaga sya maistorbo. Kahit sa text ni hindi nagrereply. Nung una naiinis ako pero pag nakikita ko naman kasi na sobrang pagod na din talaga sya sa trabaho tila natutunaw lahat ng inis ko sa kanya.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Kahapon ko pa naman naayos yung dadalhin ko. Saka nakapagpaalam na din ako kay Tita. Okay lang naman sa kanya.

Ilang sandali lang ay dumating na din si Aria. Napaka.casual lang ng suot niya pero natutulala pa din ako sa kanya.

She's wearing black button high waist skinny jeans and Rails Hunter Plaid Shirt na kakulay ng jeans niya paired with a suede Basel bootie.

"Let's go?"

Pinasadahan nya ko ng tingin mula ulo hanggang paa bago satisfied na ngumiti. Nagpaalam naman sya sa Tita ko bago kami sumakay ng sasakyan na hiniram nya daw sa ate nya. White Porsche Panamera 4S naman this time.

"Bakit puro white color ng sasakyan ninyo?" Curious na tanong ko.

"Lucky and safest color daw yung white pag sasakyan sabi ng Mom ko. Saka mas mataas resell value ng white. " Inayos naman ni Aria yung seatbelt ko.

"Sus. Chinese ka ba?" Natatawang kantyaw ko sa kanya na ikinapailing lang nya.

"Ilang set ng damit dala mo?" Tanong niya. Patingin tingin din sya sa orasan nya nang i-start nya yung makina ng sasakyan.

"Tatlo. " Kumuha ako ng protein bar sa bulsa ng bag nya at binuksan iyon saka ko inilapit sa bibig nya. "Di ka na naman nagbreakfast."

"Halata ba?"

Tumango naman ako. Napapansin ko kasi na kapag hindi sya kumain ng breakfast, mas madalas na napapatingin sya sa relo nya. Saka sobrang dalang talaga yung mga pagkakataong kumain sya bago umalis ng bahay nila.

"Dapat kumakain ka kahit konti. Nagcoffee ka ba?"

"Male-late na tayo e. " Kumagat naman sya sa protein bar habang nagdadrive "Sasaktan talaga tayo ni Railey pag na-late tayo. May oras lang kasi yung sasakyan na kinuha nya."

"Paanong may oras?" Takang tanong ko.

"Ipupuslit nya lang sa kanila. " Natatawang sagot nito.

Napatingin naman ako sa kanya. Mukhang hindi naman sya nagbibiro.

"Seryoso?"

Tumango lang si Aria bilang sagot saka kumagat ulit sa protein bar na hawak ko.

"Bakit hindi na lang tayo nagrenta o kaya may mga sasakyan naman yata kayong lahat na dala."

"Hindi pwede. Mahirap magdrive ng ganoon kalayo. Hanggang batangas lang kaya kong idrive. Tapos yung mga sasakyan nila Grant mostly pang porma lang, hindi pang long drive. "

Napatango na lang ako. Sabagay. For sure, mukha pa namang spoiled brat si Grant.

"Sasama si Sammie?" Tanong ko sa kanya.

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon