Chapter 19

13.5K 690 385
                                    

Corinne

Nang dahil sa nangyaring tensyon kanina, tahimik lang tuloy ang byahe namin. Halatang lahat ay nananantya. Ang nakakainis kasi ay si Railey talaga ang pinakamagaling bumasag ng awkwardness. Pero sa ngayon dahil sya ang involve, lahat ay nanahimik na lang.

Hindi ko din kasi maintindihan kung anong nangyayari. Ang naintindihan ko lang kanina ay yung boyfriend na dala ni Railey last volleyball game nila ay na-attract kay Samantha kaya nakipagbreak na dito yung una. Di ba nga nakita pa ni Van na may post yung ex ni Railey ng stolen shot ni Samantha sa social media account nito? Kapal ng mukha di ba?

Although totoo naman na mas malakas talaga yung charisma ni Sam compare kay Railey. Si Samantha kasi parang napakamisteryosa ng dating. Tahimik at aloof. While Railey is the type of what you see is what you get. Pero kung ganda lang din naman, di naman nagkakalayo yung dalawa.

Napatingin ako kay Aria at Grant na parehong seryoso ang mukha.

Isa pang di ko maintindihan yung sinabing iyon ni Railey. Paanong ginamit ni Aria si Grant para makaganti? Sino si Kiel? Bakit inakit daw ni Samantha yung ex-boyfriend ni Aria? Ibig sabihin ba talagang may history na nagka-agawan sila bukod pa sa issue ni Hariette at Samantha? Kung ako ang tatanungin, sobrang close nilang lahat. Kaya imposibleng magkaroon ng agawan sa pagitan nila. Besides sa tingin ko din imposibleng magawa ni Sam yung binibintang ni Railey. Sam is pure and sweet. Bitchy minsan tingnan pero tingin ko hindi sya gagawa ng bagay na makakasakit sa mga kaibigan nito.

Nang makakalahati kami ng byahe, kusang nagstop over yung sasakyan para makapaglunch din kami. Sa may gilid nakahilera yung iba't ibang restaurants. May coffee shop din sa gilid.

As usual, tahimik pa din silang lahat. Halatang nagtatyantahan.

"Sam, halika na." Yaya ni Kayleigh dito. Lahat kasi bumaba na. Even Grant and Aria na nandito sa dulo katabi ko ay nakababa na din. Nakaharang lang si Kayleigh kaya di ako makababa pa. Nahuli ako kasi nga ako yung nasa pinakadulo sa may tabi ng bintana.

Umiling lang si Samantha. "Hindi pa ko gutom. Inaantok pa ko. Maya na lang ako kakain. May dala naman ako."

Tila nagets naman ni Leigh na ayaw lang bumaba ni Sam para hindi na maungkat yung nangyari kanina. Siguro iniiwasan din nito na magclash ulit sila ni Railey.

"That's unfair." Mahinang sabi ko pagkababa ko na dinig naman ni Aria.

"You can't blame, Railey. " Balewalang sagot ni Aria.

Naglalakad na kami para kumain.

"Pero wala namang ginagawa si Sam. Mas madalas nga na nasa sulok lang siya at tahimik. "

Huminto sa paglalakad si Aria bago itinuro yung sasakyan. "You can go back and join her there if you want. " Walang emosyong sabi nya.

"Bakit ka ba nagagalit? Daig mo pa si Railey kung makapagreact ka."

"Palibhasa ganun ka din kaya nagkakaintindihan kayo. Musta, lumandi sa iba?"

At dahil napikon talaga ako sa binitawan nyang salita, talagang babalik ako sa sasakyan. Sukat ba namang sabihan akong Malandi. Sya naman ay nauna ng pumasok sa loob ng dampa na inunahan pa yung mga kasama.

"Fudge!" Angal ni Van ng mabangga ito ni Aria pero diretso lang ang babae at hindi nagsorry. "Problema nitong babaeng ito?"

"Fine! Kumain ka mag-isa." Iritableng pahabol ko.

"Oh, LQ sila. " Sabi ni Leigh kay Van matapos itong akbayan.

I was about to turn back ng hawakan ni Grant yung braso ko. "San ka pupunta?"

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon