Chapter 15

14.6K 805 332
                                    

Aria

"Corinne.. Stop!" Naiinis ng sabi ko sa kanya.

Ilang araw na kaming ganito sa office. Everytime na may pagkakataon ay lalapit sya sa akin at magnanakaw ng halik. Pati tuloy ako ay na-aaddict na.

I know what she's doing. Gawain din ito ni Grant. Gawain ko din. At naiirita ako na yung dating kaya kong gawin ay ginagawa nya sakin. I know na after ng ilang araw ay didistansya sya pagkatapos. At ako naman yung maghahabol sa kanya for this unfinished business. I have to get her before she completed the markings. Two more days at sigurado akong ako na ang hahabol sa kanya.

Damn!

Mabilis naman syang lumayo. And I groaned inwardly noticing how innocent she looks na para bang siya din ay namemesmerize sa tuwing hahalikan nya ko. Mas lalong nagrereact ang hormones ko. At mas lalong nagiging epektibo ang lahat ng ginagawa nya.

"I'll have lunch. " Sabi nya at saka nagmamadaling lumabas ng pinto.

Napailing na lang ako. Inayos ko muna yung nagusot kong damit bago sumunod palabas.

I saw her sitting next to Kelly and Astrid. At kung dati ay nakikipagbiruan pa sya sa mga HR team ngayon ay halatang iniiwasan nya na din.

Napangiti ako ng may lumapit sa kanya na taga-purchasing department at nag-abot ng slice ng cake. Umiling lang sya at tinanggihan iyon at pabirong sinabing ayaw nito ng matamis.

Serves you right for messing with my girl.

"What's with that creepy smile?"

Nakatayo na sa tabi ko si Jen. Napag-usapan kasi namin na ita-try yung bagong bukas na pizza house sa labas ng building.

"Wala." Natatawang sabi ko bago nagsimula ng maglakad.

Naramdaman ko yung pagvibrate ng phone ko.

From: Corinne

San ka pupunta? Mag lunch out kayo?

Ibinalik ko sa bulsa ko yung phone. As far as I've checked, di nya pa ko girlfriend. So it saves me with the obligation to inform her my plans.

"Nabalitaan mo na?" Tanong ni Jen habang nagbabrowse ng phone.

Palabas na kami ng building.

"Ang alin?"

"Yung ex-boyfriend ni Hariette nanliligaw kay Sam. "

"What's new?" Natatawang komento ko. Hindi naman kasi lingid samin that Sam is an eye candy.

Si Sam kasi yung tipong pag ngumiti ay talagang mahahatak ka palapit. Kaya nga mas madalas ay nagsusungit iyon para maitulak palayo yung mga ayaw nya. Kaso it's another reason to catch one's interest.

"Hindi naman fault ni Sam di ba?" Tanong pa ni Jen.

Umiling naman ako. I knew from my experience that Sam cannot do such trivial things. Sam loves us more than anything else. Malapit na nga akong maniwalang asexual yung babaeng iyon. She'd never dated anyone mapababae man o mapalalaki. She's more in love with her books, in her ipod, or in any of her things.

"For sure na-iinsecure yun si Hariette. Tawagan ko ba?"

"Mamaya mo na tawagan. Alam mo naman yung babaeng iyon baka tambay na naman sa gym at pinagdidiskitahan yung punching bag. "

"Bakit ba kasi walang magustuhan yang si Samantha para di na sya pinagseselosan e. " Komento pa ni Jen pagkapasok namin ng Pizzeria. "Order na muna ako, upo ka na dun. " Itinuro nya yung bakanteng mesa.

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon