Chapter 36

13.1K 702 118
                                    

Corinne

Stop crying Corinne. It's okay.

Damn! Sige pa din sa pagtulo yung luha ko. Halos mag iisang oras na yata akong nasa washroom matapos kong malaman na nagresign na si Aria.

She left me. She just left. Without even bidding me goodbye.

How can she do that? How can someone makes you feel like you are their world and just nothing the next day? How dare she make me feel that I'm important to her too tapos bigla na lang wala pa lang halaga? Hindi pa ko tapos e. Hindi pa kami tapos.

Right! We're just starting to rewrite our future. So, I have get up and do my part.

"Corinne?"

Rinig ko yung boses ni Kelly na nasa labas ng cubicle. Siguro ay napansin na din nila na halos mag iisang oras na akong wala sa station ko.

"Uhm, Yeah." Pinunasan ko naman yung luha ko. "Palabas na."

Pagkabukas ko ng pinto ay naabutan ko sila ni Astrid na nakatambay din habang nakatingin sa salamin. Halatang naiiyak din sila.

Namimiss din ba nila si Aria?

"Okay ka lang?" Tanong nila sakin pero si Astrid ay namumula na yung mata.

Napilitan naman akong tumango kahit hindi ako okay. I doubt if I'll be okay. Without Aria, nothing is fine. Pero hindi tama na maging alalahanin pa ako ng iba.

"We're sorry for you." Tinapik ni Kelly yung balikat ka. "Kung may maitutulong kami sa iyo, sabihan mo lang kami."

A smile crossed my lips. Ganoon ba talaga kami ka-obvious ni Aria?

"Thank you."

"Siguro kaya nagresign na din si Ms. Aria. Baka matagal na nyang alam yung status ng kumpanya?"

Napakunot naman ang noo ko.

"Status ng kumpanya?"

Buntong-hininga lang ang sinagot sakin ni Astrid at saka parang tagu-tagusan sa pader ang tingin.

"Oo. Hindi mo ba narinig kanina? Malaki daw yung violation ng kumpanya natin sa government compliance. Sa dami ng kailangan isettle, malulugi na lang din sila kaya mas minabuti na nilang isara na lang."

"Wait.." Naguguluhan kong tanong. Akala ko kasi si Aria lang ang pinag uusapan namin. Bakit magsasara pala itong pinagtatrabahuhan namin?

"Maraming dumating na abogado kanina at taga SEC. May mga pending cases pala yung company natin. Even yung registration and business permit renewal were put on hold." Sagot ni Kelly na halatang malungkot.

"Buti nga kahit papano may makukuha pa tayong separation pay." Mahinang sabi ni Astrid. "Kaso, siguradong hindi din malaki iyon. Ang problema pa, hindi naman lahat regular."

Napapikit naman ako. Isa kasi ako sa mga hindi regular na empleyado.

Ibig sabihin, hindi lang pala si Aria ang umalis. Pati itong kumpanya nila Madam Shia magsasara din.

Heartbroken na nga, nawalan pa ako ng trabaho. Great!

" Hanggang kelan na lang daw? "

Nagkibit balikat si Kelly. Sinulyapan nito si Astrid. Siguro kasi si Astrid ang second in command kay Aria. So malamang, sa aming lahat, ito ang may alam sa kung anong nangyayari sa loob.

"Baka isang linggo. Maswerte pa daw kung aabot. Simula bukas pinapatigil na yung operasyon. Baka yung team na lang natin at HR ang maiwan para sa compliance at computation para sa separation pay ng bawat empleyado."

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon