Chapter 44

16.4K 776 203
                                    

Aria

"Hey, watch out!" Natatawang sigaw ko kay Corinne na muntikan ng matabig yung mixture namin ng cupcakes.

Yep. She's living with me.

After all that happened, there's no way we'll be separated again. Hindi na ako papayag. Kahit harangan pa kami ng sibat. No one can separate us.

Even my parents are into this too. It boosted their sales after the recent incident. We are now tagged as the fairytale-like couple.

"Ikaw kasi." Nakasimangot na rason nya.

Kanina ko pa kasi sya kinukulit na pag isipan nya yung alok na trabaho sa negosyo nila Van. That would surely boost her career. Pero sabi ko nga she could always choose to be just my plain wife if that's what she wants.

Pero kung ako ang tatanungin, I'd rather she work and fulfill her dreams first para wala syang pagsisihan sa huli. Isa pa, alam ko that she really wants to help Tita Olive. Para sa lahat ng ginawa ng mga ito para sa kanya when her parents died.

"You know why I'm telling you to reconsider the offer, Corinne. It will surely boost your career."

Inilagay na ni Corinne yung mixture namin sa cupcake liners. "Ayoko pa. Namimiss pa kita ng husto. Hayaan mo munang magsawa ako sa mukha mo bago ako magtrabaho."

Kinuha ko yung ibang cupcake liners at inayos iyon sa tray para mapabilis kami.

"And when will that happen?"

Corinne giggles. "Hmm.. Siguro mga bukas na."

"Bukas na?"

"Uh-uh."

"Nakakasawa na yung mukha ko?"

"Yeah. Sobra." Pabirong sabi ni Corinne saka inabot sakin yung tray na napuno na ng mixtures namin.

Inabot ko iyon at inilagay sa oven.

"And why is that? Sabi ni Railey mas gumanda daw ako ng dahil sa walong buwan nya akong di nakita."

"Si Railey yun. Dakilang tagasunod mo yun e."

"Ah ganon? So ano ng nangyari sa mga pinagsasabi sabi mo ha? May paiyak iyak ka pang nalalaman nun para di kita iwan."

Natatawang iniyakap ni Corinne yung mga kamay niya sa waist ko.

"I missed you, Aria."

"Hmp!"

Natatawang mas lalo akong niyakap ni Corinne.

How would I not fall in love with her deeper?

"C'mon, profess your undying love for me too." Nakangiting pambubuyo pa nito sakin.

With Corinne, I can freely show my emotions. Dati nahihiya ako na magibg showy pero dahil ganoon si Corinne, parang naaadapt ko na din ang ugali niyang iyon.

"You know I missed you too. Pakiramdam ko nga parang nananaginip pa din ako na magkasama na tayo ngayong dalawa." bulong ko sa kanya.

Imagine what we've been through. Dati ang iniisip ko lang noong makilala ko sya ay kung paano sya iiwasan. Hanggang sa naging kaming dalawa. And the joke played on us.

Buti na lang pagdating sa huli, kami pa din talagang dalawa.

"Yeah, remember the first time we met?" She giggles. "Napakasungit mo. Kaya ka nasasabihang ermitanya e."

Sinilip ko yung cupcakes namin. Hindi pa naman luto.

"At ikaw naman, napakakulit mo. Inutusan mo pa ko bilhan ka ng kape."

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon