Chapter 9

14.5K 800 471
                                    

Aria

Pagdating namin sa Court, nandun na din sila halos lahat. Nag stretching na nga yung iba samantalang sila Grant nagsprint na.

Without a second thought, nilabas ko na din yung jersey ko mula sa bag. Naupo naman si Corrine sa tabi ko. Sa kabilang side namin nandun si Jen at Den.

Napailing na lang ako kasi may mga nagbitbit talaga ng boyfriends nila. If I know diretso check-in tong mga to mamaya.

"Corinne, pahanap naman ng socks ko. Palit lang akong damit."

Sabi ko kay Corinne kasi ayun titig na titig na naman sya kay Samantha. Pag sya talaga nahuli ng babaeng iyon sure na tatarayan sya. Ewan ko lang sa magiging reaksyon nya. Gusto ko tuloy matawa. Mukhang crush nya kasi yung babaeng iyon.

Hinubad ko naman yung suot kong damit. Ipapatong ko na lang kasi itong Jersey ko.

Narinig ko naman ang pagsinghap ni Corinne bago mabilis na hinatak pababa yung damit ko.

"What the fuck?" Malakas na mura ko dahil nagulat talaga ako. Muntikan pa nga yatang mapunit yung damit ko sa lakas ng hatak nya pababa.

"Bakit dyan ka magpapalit?" Takang tanong ng dalaga na magkasalubong ang kilay. Siguro napikon nung nagmura ako.

"San ba ko dapat magpalit?"

Lumingon lingon sya sa paligid kaya napalingon na din ako. Halos lahat samin nakatingin. I just rolled my eyeballs ng dumako yung paningin ko sa mga lalaking halos malapit lang samin. They were eyeing me like an eyecandy. Actually, lahat naman yata ng babae dito ganun nila tingnan.

E ano naman ngayon? Naka sports bra naman na ako. And hello! First time ko ba magtanggal ng damit? Kahit nga sa beach na nakabikini tops ka nga lang di ba? So what's the difference?

Binato nya sakin yung jersey ko saka yung shorts ko.

"Dun ka sa may gilid magpalit kung walang locker room dito." Turo nya dun sa kabilang side ng court.

"What?" Inis na sabi ko. "Ang layo. "

"Kesa naman mukha kang ewan dyan na basta na lang naghuhubad." Inis na sita nya pa din sa mahinang boses.

Sasagot pa sana ako ng marinig kong tumawa na sa tabi ko sila Jen at Railey. Gusto ko silang sakalin sa totoo lang. Sila kasi nagpapalit na ng damit dun sa pwesto nila. Actually, sanayan lang naman.

Saka duh! Ilang taon ko na bang kasama tong mga ito? Jusko! Nakasabay ko na nga yata silang lahat sa iisang shower room.

"Fine!" Inis na sagot ko saka hinablot yung damit ko. Ngayon lang naman e. Saka I have to be nice to her because she's helping me. Dahil sa kanya nakadikit na ngayon si Cindy kay Samantha instead sakin. Pero syempre wala syang ideya.

"C'mon, babe. I'll cover you with my own body and let's scream each other's name." Pang iinis pa ni Grant na pinarinig pa talaga kay Corrine.

Ayun, yung isa tuloy ang sama ng tingin sa aming dalawa. What more pa pag nalaman nya na si Grant yung first time ko?

"Shut up, Grant. " Naiinis na sabi ko bago pumunta sa locker room para magpalit ng damit. Tinawanan lang ako nito. Halatang nag-eenjoy mang-inis kasi mukhang pikon talaga si Corinne sa kanya.

After ko magpalit nakita ko na magkausap si Samantha at Corinne. Yung itsura nung huli hindi na talaga maipinta. Di ko tuloy alam kung anong sinabi ni Samantha dito. But knowing Sam? I'll know that she'll not badmouth anyone.

Nang makalapit ako, hinalikan lang ako sa pisngi ni Samantha bago isinenyas si Cindy na nakaupo sa medyo malayong bleachers Dun sa area nila Grant. Pagkatapos ay umalis na din. Umupo naman ako sa tabi ni Corinne.

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon