Chapter 4

15.4K 834 453
                                    

Aria

Awtomatikong napangiwi ako ng makapasok kami sa fastfood chain. I feel nervous. Good thing that Corrine is still holding my arms.

"Anong gusto mo? Treat kita para kumain ka naman." Nakangiting sabi nya na may halong pang-aasar. Akala yata nito ang hirap hirap ko.

"Just order for yourself. " Sabi ko na hindi halos makagalaw sa kinatatayuan ko. Feeling ko maiiyak ako sa sobrang takot.

This time tiningnan ako ni Corrine dahil hindi nya yata nagustuhan ang sagot ko.

"Hala, anong problema?" Nag-aalalang sabi niya. Mabilis niyang idinampi ang palad sa noo ko pagkatapos ay sa leeg. "Namumutla ka. Okay ka lang?"

I tried to feign a smile after taking few quick breaths to relax.

"Ayan, sinasabi ko na nga ba. Nagugutom ka na din kasi kaya ka ganyan. " Puno ng pag-aalala na sabi nya pa.

Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng kaba. Yung feeling na gusto ko ng umiyak dahil sa takot. Nang bitawan ni Corrine ang braso ko dahil kukunin nya yung wallet sa bag nya ay mabilis akong kumapit sa laylayan ng damit niya.

She gave me a questioning look but I didn't say a thing. Pakiramdam ko masusuka na din ako sa sobrang kaba.

"C-Can we just do the take out?" Nag-aalangan na tanong ko sa kanya.

Hindi sya umimik pero um-order na lang din siya sa counter dahil nasa harap na kami. When she mentioned that it was for take out,I atleast felt somewhat relief.

Saktong pagkakuha namin ng order namin ay nagmamadaling hinatak ko na sya palabas. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makalabas na kami doon.

"Okay ka lang ba?"

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. I feel my heart starting to beat normal. Nawala na yung kaba at hindi na din ako naiiyak.

"Okay na. Thank you. " Sagot ko.

Napakunot naman ang noo niya ng marealize nya kung bakit ako ganoon kanina.

"Takot ka sa Jollibee?" Hindi makapaniwalang kumpirma niya.

I shyly look away. How would I tell it to her ng hindi ako mukhang katawa tawa?

"Takot ako sa madaming tao." I answered.

Tiningnan nya ang hawak na paperbag bago nakangiting bumaling sa akin. Yung may ngiting pang -aasar.

"Dapat sinabi mo. May Chowking din dun sa kabila o. Konti lang ang tao. Tara! Dun na lang tayo. Order ako ng halo-halo dun. Sa----"

"I'm not eating in fastfood. "

There. Nasabi ko na. Baka kasi kung saan saan na naman niya ako dalahin. Swear,baka di ko na macontrol ang sarili ko.

"You've never been inside a fast food before kaya ganun ka kanina di ba?" Nawala na yung mapang-asar niyang ngiti. Sumeryoso na din yung mukha niya.

Tumango lang ako. First time ko nakapasok ng fastfood. Tapos madami pang tao. Hindi naman sa hindi ako sanay sa tao, hindi ko lang alam if paano magre-react. Siguro ganun naman talaga pag first time mo makapunta sa lugar na hindi mo pa napupuntahan di ba?

"Bakit di mo kasi sinasabi?"

"Bakit di mo kasi tinatanong?" I countered back.

"Kasi hello? Lahat naman yata nakapunta na ng Jollibee. Ikaw na lang hindi. San ka ba galing?" Napapantastikuhang banat nya.

Mas pinili ko na lang na hindi sumagot.

"Sabagay. Sa brand pa lang ng mga gamit mo halatang RK ka nga. Pero madami din naman akong kilalang RK pero kumakain naman sa fastfood. "

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon