Chapter 26

13.3K 750 328
                                    

Corinne

"Hey, okay ka na?" Bati ko kay Aria pagkadating ko ng office. As usual, sya pa lang ang tao.

Nag angat ng tingin si Aria mula sa ginagawa sa sariling desktop.

"Gusto mo ng kape?"

Napatango naman ako. I haven't eaten anything yet. Napagalitan kasi ako sa pag uwi ko ng late kagabi kaya hindi na ako kumain kanina. For sure kasi may continuation yung sermon kagabi.

Tumayo naman si Aria at lumabas ng kwarto. Siguradong pupunta iyon sa pantry para kumuha ng kape namin.

Ako naman ay inisa isang inayos yung mga gamit ko.

Three months..

Konti na lang. Sa susunod na linggo ay baka maghanap na ko ng review center na pwede kong pasukan. May naipon na naman na din ako kahit papaano. In three months time, need ko na magtake ng board exams.

Siguro mga part-time jobs na lang ang kaya ko by next month habang nagrereview. Ibig sabihin, kahit di ako maregular sa trabaho ko ay kailangan ko na talaga din magresign. Siguro naman maiintindihan ni Aria.

"Here, breakfast."

Inilapag ni Aria sa table ko yung paper cups ng coffee and thermal food container.

"Ano to?"

Inopen ko yung food container and the whole room is filled with its aroma.

"I cooked that bago umalis ng bahay. I had my fill kaya para sayo talaga yan." Nakangiting sabi ng babae. She's in the good mood.

Hindi ko naman napigilan ang pag alpas ng ngiti. First time nya ko ipinagluto at dinalhan ng pagkain.

I start digging in. In fairness, masarap naman pala magluto itong si Aria. Kahit pritong bacon lang, asparagus, and mini sandwiches.

"Thank you. Masarap." I even raised my fork na may nakatusok na bacon.

Tumango lang si Aria at bumalik na sa upuan nito upang tapusin kung ano man ang ginagawa.

"Busy ka ba bukas?" She asked out.

Natigilan naman ako. Sabado nga pala bukas. Much as I want to say na wala akong gagawin ay hindi ko naman masabi. Ilang linggo na kasi akong laging sumasama sa kanya. Tapos gabing gabi pa ako laging nakakauwi sa amin pag weekdays. Tiyak na mapapagalitan na naman ako ni Tita Olive. Hindi na ko tumutulong sa bahay.

"Sorry. May mga gagawin kasi ako this weekend."

Napatingin sakin sa Aria. Marahil hindi nya inaasahan na tatanggihan ko sya.

"Kahit bukas lang?"

I bit the inside of my cheek. Paano ko ba sasabihin sa kanya na hindi nya ikakatampo?

"Ahm. K-asi Aria.."

"I already bought us a ticket." May halong inis na. "Akala ko kasi pwede ka."

Hindi ko naman mapigilan na makaramdam ng konting inis din. She should have been considerate too. Alam nya naman na nakikitira lang ako at kailangan ko makisama. Yung pagbili nya ng tickets kung saan man iyon na hindi ako tinatanong ay out of line na. Dapat matuto din sya magtanong muna bago magdecide on her own. Hindi lang naman sarili nya dapat yung ikoconsider nya.

"San ba tayo pupunta?" Inubos ko na yung pagkain ko. Ayokong mainis ng husto at baka hindi naman ako matunawan.

"Manonood ng Orchestra."

Napatanga naman ako. Ano daw? Jusko! Baka makatulog lang ako.

"Anong meron?"

"Magpeperform yung paborito kong Orchestra. Special participation si London Aikins. I can't miss that."

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon