Chapter 10

15K 782 75
                                    

Corinne

Nakatingin lang ako kay Aria habang naglalaro sya. She looks so happy playing with her friends. Para syang ibang tao ngayon kumpara kapag nasa office kami. Ngayon kasi she's free to laugh and to banter just like the way her friends are so at ease with her.

Yung mga simpleng murahan nila na parang normal lang talaga nila. Yung sikuhan, balyahan, tulakan, at pabirong mga yakapan at halikan. They seem so close.

Sabi nga ni Samantha kanina nung nilapitan nya ko habang nagpapalit ng damit si Aria, na halos isang dekada na daw silang lahat magkakakilala. Kaya naman sobrang tight ng closeness nilang lahat. Akala ko talaga tatarayan nya ko kasi nahuli nya kong nakatitig sa kanya. Tinanong nya lang ako kung nasan si Aria at may naghahanap daw dito.

Binanggit nya din sakin na bantayan ko si Aria ngayon dahil nandito daw sa tabi niya yung lintang dikit ng dikit sa Aria ko.

Hindi ko naman maiwasan ang hindi mainsecure. Mukha naman kasing modelo yung ex-fling ni Aria. Halatang may class at pinag-aralan. Yun nga lang ang low lang kasi naghahabol pa sa babae gayung ilang beses na nga sinabihan na hanggang dun lang ang kaya nitong ibigay.

"Palit lang akong damit. " Lumapit sakin si Aria at nagpaalam. Halos isa't kalahating oras yata silang naglaro. Basang basa na sya ng pawis at tumutulo pa nga sa pisngi nito.

Pero kahit pawisan na at lahat, ang bango bango pa din nya. Mas lalo yatang nakadagdag sa appeal nya yung pawisan niyang mukha.

"Ang hot ko!"

Natawa naman kami nung sumigaw si Railey sabay hubad ng damit at ipinamunas sa mukha.

Fine! Hot nga sya. Natatawang sa isip isip ko. Pero shemay! Mas hot si Aria ko.

Inangat kasi ni Aria yung dulo ng jersey top nya para mapunasan ang pisngi. Kitang kita ko tuloy yung yummy washboard nya.

Mabilis ko namang kinuha yung panyo ko at pinunasan yung pisngi nya.

"Aw, Sweet. " Natatawang sabi nya sa nang-aasar na tono.

"Sige. Ibalandra mo pa yang abs mo." Nakangiting pakikisakay ko.

Tumawa lang sya at kinuha yung duffel bag nya. "I'll be quick."

She leaned forward and gave me a chase kiss sa cheek. Dama ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Natauhan lang ako ng mabilis na syang tumakbo palayo.

Sa sulok ng mga mata ko nakita kong palapit sa akin si Grant kasunod si Samantha.

"Corinne.." Grant called my name na halatang nahihiya.

"Yes?"

"Hmm.." Napakamot ito sa batok. Gaya ni Aria, pawisan din ito pero hindi naman amoy pawis. Normal yata sa kanilang lahat ang mabango pa din kahit naliligo na sa pawis. "I'm sorry. I went overboard kanina."

Natigilan naman ako. Totoo naman kasing napikon din talaga ako sa kanya kanina. Grabe naman kasi sya makadikit sa Aria ko. Hinalikan nya pa talaga.

"Okay na. Sorry din. Napikon din kasi ako kanina. "

Umaliwalas naman ang mukha nito. "Asaran na lang talaga yung meron kami ngayon. "

Ayan. Nagsisimula na naman na uminit ang ulo ko. Isipin ko pa lang na hinawakan nya si Aria. Hays.

Ano ka ba? Girlfriend ka ba? Makareact ka!

Ilang minuto pa kami nagkwentuhan ni Grant at Samantha. Ang saya lang nila kausap. Medyo mayabang lang pala talaga sa una si Grant kung di mo sya kilala. Pero ang totoo she's nice and sweet din naman pala. Medyo clingy nga lang at touchy. Kahit kasi kay Samantha ganun din sya. Biglang nangyayakap at nanghahalik.

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon