Chapter 20

14.8K 767 191
                                    

Aria

Tahimik lang si Corinne the whole time na nasa byahe kami. For sure ang daming tumatakbo sa isip nya ngayon. At hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga iyon.

Paano ko ba sasabihin sa kanya yung nakaraan ko kung maging ako ayoko na din balikan?

Nang magstop-over kami at narinig ko syang kinakampihan si Sam, hindi ko tuloy napigilan ang mainis sa kanya. Ang ending, pareho kaming nagwalk-out. At ipokrita ako kung sasabihin ko na hindi ko in-expect na susundan nya ko para magsorry. Pero natapos na kaming kumain at lahat, ay wala pa din kahit anino nya.

Malamang pinuntahan nya nga si Samantha at sinamahan.

"Van!"

Napalingon kami kay Railey ng iabot nito yung paperbag ng tinake-out nitong pagkain kay Van. "Food nung mga nasa sasakyan."

Inirapan lang ito ni Van. "Ikaw magbigay. Ikaw nagtake-out e."

"Hoy, ibigay mo kay Samantha 'to! Baka gusto mong sipain kita palabas ng sasakyan ko?" Banta pa nito kay Van.

"Ayoko nga! Ikaw may kasalanan kay Sam. Ikaw mag-sorry." Tumakbo pa si Van pabalik ng sasakyan. Mabilis namang sumunod dito si Hariette na marahil ay iniiwasan din si Railey dahil alam nito na uutusan din ito nito. Si Jen at Den naman ay binagalan ang paglakad. Kaming dalawa ni Grant yung naiwan sa tabi ni Railey. Wala tuloy nagawa si Railey.

Pagdating namin sa sasakyan, nandun sa labas si Samantha at nakikipagkwentuhan kay Leigh. Kumakain sila ng Muffins at may hawak na coffees.

"Get your coffees, guys. Nagtake-out ako." Sabi ni Leigh.

Hinanap naman ng mata ko si Corinne. Nakita ko syang nakasandal sa gilid ng sasakyan at nakatitig lang sa akin. Akala ko ay iiwas sya ng tingin pero nagulat ako ng lapitan nya ako at yakapin ng mahigpit.

"Aria.." She whispered in a low voice. "Sorry.."

Dahil hindi ko alam ang sasabihin ko ay iyong unang beses na lang na pumasok sa isip ko, "Kumain ka na?"

Tinuro nito yung muffins na kinakain nila Leigh. "Ikaw?"

Tumango naman ako. Pigil ko ang matawa ng parang maiihi na hindi alam ni Railey kung paano iaabot yung food na hawak kay Sam.

"Oy, pagkain nyo!" Sabi nito at tinulak kay Sam yung hawak na paperbag.

Hindi ko in-expect na bigla itong yayakapin ni Samantha. Lahat kami tila naging yelo sa pagkakatayo.

"Just say 'Sorry' Railey. I deserve it."

"Mukha mo!" Tinulak ito ni Railey. Halatang nagulat din sa pagiging open ni Samantha. Actually lahat kami. Sammie is usually passive kasi. Most likely, tinreat nya lang kaming lahat na parang bata at siya lagi yung nag-aadjust para sa amin.

"I demand for your apology." Sammie insisted. "Pag hindi ka nagsorry, hindi ko na tatanggapin lahat ng ibibig----"

"Fine! Sorry.." Mabilis na sabi ni Railey. "Naiinis lang ako sayo pero hindi naman ako galit. Alam ko naman na wala kang kasalanan. Kaya lalo akong naiirita na ikaw pa yung nagso-sorry."

Niyakap lang ito ni Samantha.

"Oy, bitaw na! Ang creepy mo na, Sam. " Naiilang na tinanggal ni Railey yung mga braso ni Sam na nakayakap dito. Tila natutuwang hinalikan naman ito ni Sam sa pisngi.

"Yun, Okay na!" Sigaw ni Van. "Sa wakas. Natauhan din ang mga siraulong yan."

Natawa na lang kami. Yeah! Buti naman naayos na.

***

Nang makarating kami sa resort nila Sam sa Bicol, Inabot naman ni Grant yung susi namin ni Corinne. Kumuha kasi kami ng hiwalay na room. Bale sila Van, Leigh, at Samantha ang magkakasama sa isang room. Si Jen at Den ay may sarili din na kwarto. Tapos si Railey, Grant at Hariette naman sa isa pang room.

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon