Chapter 16

14.4K 764 246
                                    

Corinne

Naiirita ako kay Aria. She didn't even bother to reply in my text messages. Gayung nakita ko sila ni Jen na palabas ng building.

My attention drifted dun sa katabi naming table ni Astrid. Yung Marketing team na kanina pa masama yung tingin sa amin. Hindi na nga lang namin pinapansin nila Kelly.

Nagtawanan pa ng malakas ang mga ito as I've heard them say, "Magaganda ba? Mga gwapo siguro. Puro mga tibo yata nasa accounting team e. Puro losyang."

Napaangat naman ang kilay ko doon. Maging sila Astrid at Kelly ay nagulat din sa narinig. Pero syempre alangan naman na patulan namin sila.

"Let's go. " Yaya ko sa dalawa. I don't intend to stay and hear more insults.

Pero bago pa kami makatayo ay may humawak na sa balikat ko. Pasimpleng akbay lang naman. Isa sa mga lalaki from Marketing team.

"Hi, Corinne.." He whispered in my ear. At hindi ako tanga dahil alam na alam ko yung ginagawa nya. Ramdam ko yung marahang paghaplos ng kamay nya sa balikat ko.

"Tanggaling mo yang kamay mo sa balikat ko. " Mahinang bulong ko. Hangga't maaari ay ayaw ko ng gulo. Tiyak na mapapahamak na naman si Aria.

Tumawa lang ang gago. Palibhasa kasi may itsura. Kaya akala lahat ng babae type sya. Kapal!

"Date tayo mamaya?"

"Madami kaming trabaho. Hindi pwede. " Tanggi ko na pinipilit alisin yung kamay nya.

Tumawa pa yung mga babae sa kabilang table na nagsabi na puro tibo daw kasi ang nasa Accounting team.

"Sabi ko sainyo e. "

Tumawa din yung lalaking katabi ko. This is clearly harrassment right?

"Bitawan mo 'ko!" This time may pagbabanta na sa boses ko.

At ang gago, imbes na bitawan ako ay mas lalo pa akong hinapit bago bumulong. "Sino bang type mo? Si Aria? Natikman ko na yun."

There! Hindi ko na napigilan yung sarili ko, malakas na sinampal ko sya. Kapal! As if papatulan sya ni Aria ko.

"Aba't gag---"

Bago pa nya ko maabot ay dama ko na yung paghila sa buhok ko ng isa sa mga babae kanina sa kabilang table. Dama ko pa yung pamamanhid ng pisngi ko ng may sumampal din sakin.

Bago pa ko mapagtulung-tulungan ay mabilis ng nakaawat yung ibang empleyado.

Good thing! Kaso ayun, lahat kami napa-HR.

Aria came for us. And I can see na talagang nainis siya ng makita kami. I can even feel the chilling sensation at her cold stares ng pinagbantaan nya yung Marketing team to never hurt us again.

Pagdating sa office, she didn't say a word. She just gave us an ointment at pinagpatuloy ang trabaho na parang walang anuman ang nangyari.

******

"So, how is it going?" Tanong ni Grant sakin.

Sabado ngayon at may laro ulit sila Aria kasama ng mga kaibigan nya. This time, sa may court naman kami sa bahay nila Kayleigh.

Busy silang lahat na nagpapalit ng damit. Parang wala na ngang pakialam kahit nandito lang ako. Si Aria at Railey lang ang wala dahil may bibilhin lang daw ang mga ito para sa lunch mamaya.

"Hmm. Okay naman. " Nangingiting sagot ko. Mula kasi ng maging lantaran na ang pagkakasabi ko kay Aria na gusto ko sya ay nagiging visible na din sya. Although reserve pa din sya pag may ibang tao at nagiging extra sweet pag kami na lang dalawa. "Umaasenso. Hindi na kami naghahabulan. " Pabirong sabi ko.

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon