Chapter 39

13.1K 729 159
                                    

Corinne

"Fudge!" Mabilis akong napatakbo sa sink para iluwa yung nginunguya ko.

Mula sa pagpreprepare ng coffee ay tiningnan ako ni Sam.

"Okay ka lang?"

"Ang alat." Itinuro ko yung kinakain kong fried rice. Ito kasi yung hiningi nya sakin. Yung inorder ko sa restaurant nila nung naglunch out kami. Gusto nya daw tikman.

Fried rice, pritong tuyo, at pritong talong.

"Hindi mo nalasahan kanina? Ikaw unang kumain di ba?" Nakangiwing sabi ko bago niligpit yung pagkain. Sobrang alat talaga. Di ko kayang kainin.

"Akala ko kasi ganun talaga yung lasa." Kaswal na sabi nito. Sinalin nito yung nabrew nitong coffee sa baso saka inabot sakin. "Here, coffee."

Gosh! Kinain nya yun? Baka magkasakit sya sa bato.

"May sira ba sa taste buds mo?" Half-annoyed na tanong ko sa kanya. She's being too nice again. Nakakainis. Mas gugustuhin ko pa kung susungitan nya ko o di kaya ay babarahin.

"You prepared that. I had to eat that. Ang daming nagugutom sa mundo para magsayang ng pagkain."

Hinila nito yung upuan at umupo sa kaharap ko. Pagkatapos ay binuksan nito yung tangay nitong libro.

"Tapos na ko kumain. Pwede bang sa sala na lang natin inumin itong kape?"

"No. Matatapunan na naman ng coffee stain yung cover ng sofa."

Napangiwi naman ako. Matapos matapunan kasi iyon nila Van nung nakaraan ay panay ang reklamo ni Sam pagkaalis ng mga ito. Masakit na daw sa mata yung mantsa na hindi ko naman nakikita kasi black leather naman yung cover ng sofa.

"May gagawin ka ba, Sam? Kain tayo sa labas. Nagugutom ako."

Itinuro nito yung refrigerator at cupboard. As if saying we have stocks.

"Tinatamad ako magluto. Kung nandito lang si Ar---"

Nagulat naman ako ng bigla na lang akong batuhin ni Sam ng nadampot nitong kutsarita na pinanghalo nito sa coffee nito na nilagyan ng creamer at sugar.

"Aww." Nagtatakang hinaplos ko yung tinamaan kong pisngi. "Problema mo?"

"Don't say bad names in my house." Kaswal na sabi nito habang tuloy pa din sa pagbabasa ng librong hawak.

"At kelan pa naging bad names ang pangalan ni Ar---"

There. Yung plastic container naman na takip ng sandwich box nito yung lumilipad sa direksyon ko.

"Hey, Sam!"

"Get out of here." Kalmadong sabi nya na nakafix pa din yung mata sa libro.

"Ano bang problema mo?"

Mula sa pagbabasa ay umangat yung ulo ni Sam bago ngumiti sakin. Yung aral na ngiti na kung hindi mo sya kilala ay aakalain mo talagang genuine.

"I just don't want to here names that causing depression in my house."

"Aria.. Aria..Ariaa.." I chant repeatedly. Trip ko kasi makipag asaran sa kanya ngayon. Nakakabagot kaya dito sa unit nya. Saka nabuburn out na ko kakareview.

Bago nya pa ko mabato ulit ay mabilis na kong pumwesto sa likuran nya para kailangan nya pa tumayo kung trip nya talaga manakit.

Imbes na mambato ay tumayo si Sam at binitbit yung kape niya at libro.

"Sa sala na tayo magkakape?" takang tanong ko.

Umangat yung kilay ni Samantha. This is the same gesture nung first time ko syang mameet.

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon