Chapter 29

13.1K 702 198
                                    

Aria

Yey, We're done!

"Nakamagkano tayo lahat?" Excited na tanong ni Corinne sa pinsan nya na abala sa pagbibilang ng napagbentahan namin.

Samantalang kami naman ay tapos na din magligpit sa kusina.

"Hays! Kapagod to 'day." Reklamo nung kaibigan ni Corinne na Pip yata yung pangalan. Konti na lang mapagkakamalan ko na talaga itong bakla. Yung way kasi ng pagsasalita nya kakaiba. Kanina pa.

"Okay lang yan. Minsan lang naman ito."

"Sabagay, libre mo na lang kaming lunch."

Napatingin naman ako sa relo ko. Alas onse pa lang naman. Pwede pa naman kami maglunch bago ko hatakin at solohin si Corinne mamaya.

"Daig pa mga baliw sa kakulitan. Sinabi na ngang wala na!"

Bahagya kaming nagulat nung padabog na pumasok si Sandy. Sa dami kasi ng bumibili ay naubusan na kami ng cupcakes. Pero dahil dinadagsa pa din ay napilitan na kami maglagay ng signboard na sarado na kami. Si Sandy yung naglagay sa labas. Tapos ang daming tao pa doon na gusto pa din bumili ng cupcakes. Nakulitan siguro.

"Hala, Ate!" Terry prepped mula sa pagbibilang sa counter. "Naka-sixteen thousand tayo ngayong araw."

Tuwang tuwang nahalikan naman ako ni Corinne sa pisngi. Wew!

"Ahem, ano yang landian na yan?" Kantyaw ni Pip na pinaningkitan kami ng mata.

Pareho lang kaming natatawang napailing ni Corinne.

"Himala aa. Daming dayo na pumupunta pa dito sa shop. Puro mga nakasasakyan pa." Komento naman nung pinsan ni Corinne na si Terry. "Kung lagi lang ganito sigurado tuwang tuwa si Mama."

Kung alam lang ng mga ito kung bakit ganun kadami ang customer namin kanina. Kay Leigh pa lang siguradong sulit na sulit na namin. Idagdag pa yung iba na ang laki din ng naiambag.

Leigh is a well-known product endorser. Karamihan ng in-endorse nito ay clothing line. Pero dahil masyado itong tinatangkilik, lahat yata ng i.endorse nito ay may bumibili. Proof na yung wave kanina.

How do I know that she's the influencer? Yung sarili nyang clothing line ng kilalang brand, suot ng mga ito.

Tapos si Grant yung caption ng post kanina sa social media nito habang kumakagat ng cupcakes, you wanna taste mine? Bring me a box. Jusko! Lahat yata ng babae nito yung nagsibilihan samin kanina ng tigdadalawang box pa.

Tapos si Railey, Van, at Hariette pa na mga heredera ng mga sikat na Top Local companies. Once they reviewed a product, tumatatak na sa tao yung mga gusto nito. I bet, Corinne's cupcakes will be a big hit in the market.

Inaayos na lang namin yung mga kalat sa table at nagpapack up na din.

"Gosh!" Tili ni Pip na ikinalingon namin ditong lahat. "Gaga ka girl! Si Kayleigh Montello nandito kanina!!"

"Sino yun?" Takang tanong dito ni Corinne. Hindi ko naman maiwasan ang hindi matawa.

Don't tell me, all this time ay hindi nya kilala yung mga kasama nya?

"Jusko!" Si Sandy naman. "Si Railey Alleman ito di ba? Si Railey!!!" Turo naman ng babae sa picture ni Railey na nakapajama pa pero kumakain ng cupcakes habang nakapatong yung ulo sa mesa.

Halatang kilala ng dalawang ito yung mga kaibigan ko. Sabagay, kung hindi ko lang mga kaibigan ang mga iyon ay baka maging fan din nila ako sa totoo lang.

They were indeed a trend. A game changer. A life shaper.

"Sinong Railey Alleman naman yan?" Si Corinne ulit. "E mga kaibigan lang ni Aria yung pumunta dito kanina."

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon